MAY 28, 2024 NA ANG FIRST SHOOTING DAY ng pelikulang ' SINAG ' na pagbibidahan ng ating Optimum Star na si Claudine Barretto. Nasugbo, Batangas ang napiling location ng inaabangang full-lenght film ni Claudine na idederehe naman ni Direk Elaine Crisostomo. Sa media announcement palang nito ay nagpahayag na ng kanyang excitement si Claudine dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay gaganap siyang diwata na pinag-aralang mabuti ng direktor nitong si Direk Elaine! Narito ang synopsis ng pelikula.
Iikot ang kwento sa Tribu Nayas-Yasak na kung saan ay ito ay pinamumugaran ng mga diwatang may iba’t-ibang antas at katayuan. Binubuo ito ng Mga Diwatang Lunas na pinamumunuan ni Liway-way, Mga Diwatang Mananambal na pinamumunuan naman ni Bai Waluka at mga Diwatang Bughaw na kung saan si Reyna Erna ang nagsisilbing Reyna sa buong Tribu.
Sa paparating na malaking digmaan ng mga Diwata at mga lahing tikbalang at Engkanto ay kinakailangan nila ang magiging tagapagtanggol ng kanilang tribu na kung saan ito ang magsisilbing itinakdang “Sinag”. Ngunit sa pagkakataong ito ay kambal na Diwata ang isinilang ni Reyna Erna at ito ay sina Amara at Mayari na kung saan ay nagdulot ito ng kalituhan kung sino nga ba sakanila ang tunay na itinakda at kung sino ang huwad.
Magkakaroon ng mga pagsubok, kalituhan at pagtataksil sa pagitan nina Mayari at Amara upang patunayan lamang ang kanilang tagna. Sino ang mananaig, sino ang tunay at sino ang huwad?
Ang mga mahiwagang bukal ang magsisilbing tulay na magtatagpi upang suyurin ang Katotohanan at nakaraan at ang magaganap sa hinaharap. Ito ay ang mga Bukal ng Nensaman na magdadala sa kanila sa nakaraan, ang Bukal ng Tugtuwa na magbubulong naman ng katotohanan, ang Bukal ng Arapen na sasalamin naman sa hinaharap at ang Bukal ng Beskeg na kung saan ito ang papanday sa kalakasan at magbibigay kapangyarihan sa tunay na itinakda. Makikilala dito ang mga Punong Bantay na sina Mujer Satru, Mujer Nepara at Mujer Namasnen.
Ano ang magiging papel ng mga lahing tikbalang na sina Diego at Adonis sa Itinakdang Sinag at anong lagim ang dulot ng engkantong itim na si Enyegro?
Sino nga ba ang huwad at sino ang tunay na itinakda… at sino ang magisilinbing Liwanag sa Nayas-yasak at tutupad ng kanyang tagna bilang itinakdang… SINAG!
No comments:
Post a Comment