DIRECTOR ELAINE CRISOSTOMO CONFIRMED SA AMERIKA GAGAWIN ANG SPECIAL EFFECTS NG ' SINAG ' MOVIE NI CLAUDINE BARRETTO

Nasugbu, Batangas ang napiling lokasyon ni Direk Elaine Crisostomo para sa fantasy movie nitong ' Sinag ' na pinagbibidahan ng Optimum Star na si Claudine Barretto. Produced by Bea Glorioso ng Entablado Films na may gagampanang papel rin sa pelikula at siya ring production manager. Sinulat naman ni Harvie Aquino ang script na siya ring Assistant Director.

Ayon kay Direk Elaine, masaya siyang makatrabaho ang dating kaibigang si Claudine Barretto.

" Matagal na kaming magkaibigan niyan. 90's pa. Nag-amerika lang ako then this time na nasa Pinas na ako, told her na kailangang magtrabaho kami sa isang movie and nag-isip kami ng script for her dahil alam naman natin na si Claudine, mahusay talagang umarte eversince and the films na ginawa niya, grabe, kapag sinubay mo lahat, ang lalaking pelikula lahat and box-office hit lahat. " sez Direk Elaine.

" Excited lahat to work with her lalo na ako. That's why, heto, rolling na tayo and i will do my best bilang direktor niya sa pelikula para the fans and followers at lahat ng nagmamahal sa kanya ay hindi tayo mapapahiya. " saad pang muli ni Direk Elaine.

Ayon din sa scriptwriter nitong si Harvie Aquino na siya ring Assistant Director for the film, ginalingan niya rin ang pagsulat ng script dahil diumano sa isang mahusay na aktres ang gaganap dito.

" Nung sinusulat ko talaga ang script, sabi ko, Claudine ito. Sinulat ko, ginawa ko and then i presented it to them, kay Direk Elaine at kay Claudine, alam mo yung feeling nung binabasa niya ang script then tinanggap niya at nakita kong she's happy with the dialogues, everything, ang sarap sa pakiramdam. Ang saya ko. Para talaga kay Claudine ang script. " paglalakad din ni Harvie Aquino.

Sa media announcement palang ng Sinag that happened a month ago ay very vocal na si Claudine sa pagsasabing she's excited to do the film dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay gaganap siyang diwata.

Sa mga costume palang na gagamitin ni Claudine Barretto sa movie, ayon sa aking napag-alaman ay nagkakahalag na ito sa halos 300 thousand pesos at siya raw mismo ang pumili.

Medyo malaki raw ang magiging production cost ng ' Sinag ' lalo na at sa Amerika pa gagawin ang special effects nito.

Star-studded ang ' Sinag ' dahil ayon pa sa production, napakaraming kaibigan si Claudine na nagpaabot ng interest sumama sa cast ng pelikula at ikinatuwa naman ito ni Claudine.

Inaasahang tatapusin within the month of June ang Sinag at inaasahang maipapalabas sa Philippine cinema ngayong taon.

No comments:

Post a Comment