HEART AT CHIZ IKAKASAL MULI NGAYONG FEBRUARY 15

Puro nalang hiwalayan ang naging laman ng balita sa showbizlandia! Nandiyan ang Richard Gutierrez at Sarah Lahbati. Xian Lim at Kim Chiu. Daniel Padilla at Kathryn Bernardo at kamakailan lang ay Bea Alonzo at Dominic Roque! Nakakabingi na ang hiwalayang tila hindi na matutuldukan huh! Wish niyo ba or wish ko rin? 

Hay baku! Teka! Maiba naman tayo! Dito naman tayo sa good vibes at good news! Aba! May renewal of vows na mangyayari ngayong February 15, 2024! Ayaw kong sabihin ang lugar at kung anong oras noh baka dumugin sila ng paparazzi! Wow! Yes! Kung naikasal man sila noon sa simbahan at natsismis noong nakaraang taon na nagkakalabuan, ngayong February 15 nga nakatakda ang muling pagpapakasal nina Chiz Escudero at Heart Evangelista! Pero hindi sa isang catholic church kundi isang Christian wedding ang magaganap noh! Basta! Ayaw pasabi kung saan at anong oras! Kaya sa mga nagsasabing walang forever, ayan, papatunayan nina Pareng Chiz at Mareng Heart na meron, meron, meron! Bongga!

No comments:

Post a Comment