CIA with BA: Maganda ang intensyon, mali ang aksyon
Dumulog si Franklin sa ‘CIA with BA’ upang humingi ng tulong at payo matapos siyang magulpi nang dalawang beses nang subukan niyang disiplinahin ang isang bata sa kanilang lugar.
Ayon kay Franklin, napaaway siya sa ama at sa mga tiyuhin ng bata na pinigilan niyang humawak at magpahid ng maruming stick sa ibang bata.
Subalit nakunan ang pangyayari sa CCTV at base sa footage, nagmukhang sinakal at kinaladkad niya ang bata.
“You can have good intentions [but] you can not put your hands on another person’s child,” saad ni Senador Alan Peter Cayetano habang ineestima ang kaso ni Franklin.
“Remember, it’s not what you say, it’s what you hear. Kasi kapag sinabi mong ‘hindi ko sinaktan,’ ang naririnig agad nung magulang, hindi ka sorry,” sabi niya.
“Pero ‘pag inunahan mo ng ‘pasensya na kayo ha,’ and then ‘pag nakinig na saka mo sabihin na, ‘by the way po, kung titignan po sa CCTV, hindi ko po ginawa ‘yon.’ It’s the way you say it,” dagdag pa ni Kuya Alan.
Nagpahayag rin ng kanyang saloobin si Pia Cayetano tungkol sa sitwasyon ni Franklin.
“Tinignan ko rin kasi ‘yung CCTV. Talagang masasabi ko rin na parang unnecessary use of force ang ginamit mo sa bata,” aniya. “Bagamat sabihin mong maganda ang intensyon mo na hindi mapahiran ng [dumi ‘yung ibang bata], pero hindi reasonable ang iyong aksyon.”
Ipinaliwanag naman ni Kuya Alan ang mga posibleng mangyari.
“Isang pwedeng mangyari, pareho kayong makukulong. Pareho kayong masisintensyahan, pareho kayong mapa-parol,” sabi niya. “The other thing is someone you both respect, whether it’s the barangay captain or someone [na mas] matanda sa inyo, can sit you down, explain everything. Kasi alam niyo, kaya ‘yung sinasabing ‘forgive and forget,’ kasi minsan ‘pag forgive lang and you don’t forget, ano e, ‘pag uminit ulo, tuloy na naman. Ang problema lang minsan, that’s why we say ‘forgive but don’t forget,’ para ‘wag maulit.”
“Of course we’re willing to help, whether to talk to your barangay captain [or] assign one of [our] lawyers but ‘yun nga, both sides have to admit na may mali sila,” sabi rin ni Kuya Alan.
Ang ‘CIA with BA’ ay pagpapatuloy ng nasimulang misyon ni Senador Rene Cayetano, ang yumaong ama ng magkapatid na senador. Si Senador Rene ang orihinal na abogadong nagbibigay ng legal advice sa telebisyon at siyang host ng sikat na programang ‘Compañero y Compañera’ noong 1997 hanggang 2001.
Huwag palampasin ang ‘CIA with BA’ kasama sina Alan, Pia, at award-winning TV host na si Boy Abunda tuwing Linggo ng gabi, 11:00 sa GMA7.
###
No comments:
Post a Comment