CONDO RAW NI DOMINIC ROQUE NAKAPANGALAN SA ISANG PULITIKO? TOTOO KAYA? O HAKA-HAKA LANG?

NAKU! Nagulantang na naman ang buong bayan sa pasabog ni Cristy Fermin sa kanyang tv at radio show about sa hiwalayang Dominic Roque at Bea Alonzo. Sinasabing walang third party involved. Pero nitong nakaraang araw lang ay may lumabas na isang pulitiko diumano ang involved sa isyung hiwalayan ng dalawa. Nabanggit pa na yung tinitirahang condominiom diumano ni Dominic Roque ay nakapangalan sa isang pulitiko! Pulitiko ang sinabi kaya lalake ang tinutukoy ni Cristy Fermin huh! 

Sa hiwalayan ng mag-jowa, usually, naga-unfollow to each other ang mga ito sa kanilang mga social medi accounts or nagbuburahan ng mga pics nila together. Napansin ko lang kena Bea at Dom, walang ganoon. Nandoon parin ang mga larawan nila sa mga togetherness ganap nila in the past huh.

Meron pa. Tila nagdiriwang ngayon ang mga maka-Daniel Padilla dahil may karmang umariba agad-agad kay Dominic Roque nang sabihin nitong hindi niya raw invited si Daniel sa kanilang kasal ni Bea kundi si Kathryn Bernardo lang dahil since 2020 raw ay hindi na sila in good speaking terms ni Daniel!

Kakaloka! Marami pang tsika about Dominic and Bea pero masyado ng personal ang iba kaya ayokong patulan noh!

May tsika pa nga'ng may Vivamax App paraw si Dominic sa kanyang mobile phone ayon pa sa isang tsurorot? Totoo ba? Kung totoo, walang masama sa palagay ko because hindi naman nakasulat sa buhay nating dapat wala ng ganoon kapag may jowa kana! Meaning, tinitingnan ni Bea ang cellphone ni Dom?

Ano ba yan! Napupunta na sa ka-cheapan huh!  

No comments:

Post a Comment