Mula sa red carpet entrance ng cinema hanggang sa loob ay pinaghandaan ng bonggang-bongga ng Mentorque at well-organized lahat. Bumaha ng LED at worl-class ang datingan nito na ang sarap sa mata dahil mararamdaman mong espesyal na gabi ito para sa mga naimbitahang mapanood sa silverscreen ang pelikula ni Derick Cabrido.
Full support ang mga kaibigan ni Papa Piolo sa kanya tulad na lamang ng ilang kilalang personalidad sa entertainment business lije Maam Malou Santos ng Star Cinema at Vice Ganda.
Kabogera ang bisita ng Mentorque that night at kitang-kita kong very happy to the highest level si Bryan Dy at ang buong produksiyon nito.
Like what i told you sa trailer palang ng movie, world-class na world-class ito. Mula sa mahuhusay na pagganap ng lahat ng bida sa pelikula, mula sa screenplay, editing, production design, sound, lahat-lahat ay pupurihin mo ang pelikula.
Pamatay lalo ang katatakutan at gulatan sa movie mula umpisa hanggang katapusan. Ganda nung twist na ginawa lalo na ang pagganap ni Piolo sa tatlong katauhan niya sa pelikula at nangangamoy Best Actor siya sa pelikula.
Masasabi kong ginastusan ang movie. Sobrang gastos kaya naman lumabas na napakaganda ito at sulit sa ibabayad ninyong 370 pesos sa mga sinehan.
Wala akong maipintas sa pelikula. Grabe.
Congrats sa buong production staff, cast and crew ang MALLARI!
The best film this year! Bukod-tangi! Ibang level ang lahat! Sobrang nakaka-proud ang pelikulang ito! Unahin niyo ng panoorin sa mga sinehan simula ngayong December 25!!!
No comments:
Post a Comment