CIA with BA,’ patuloy na namamayagpag sa puso ng viewers, mas pinaaga ang time slot
Patuloy na umaani ng tagumpay ang public service program na ‘CIA with BA’ dahil sa pagtaas ng ratings nito sa mga nagdaang linggo.
Ang 45th Catholic Mass Media Awards Best Talk Show nominee ay nakakapagtala ng 1.5% nationwide viewership sa huling tatlong episodes sa maaga nitong time slot na, 11:15 p.m. tuwing Linggo.
Samantala, simula ngayong Disyembre 17, magbabalik na ‘CIA with BA’ na pinangungunahan ng magkapatid na senador Alan Peter at Pia Cayetano at ni Boy Abunda sa dati nitong time slot na 11:00 p.m.
Kasalukuyang nasa ika-apat na season, nananatiling tapat ang program sa layunin nitong makatulong sa ating mga kababayan, lalo na sa usaping legal.
Sa episode nitong Disyembre 10, isang emosyonal na babae ang dumulog sa ‘Payong Kapatid’ tungkol sa posibleng manahin ng walo niyang anak mula sa yumaong kinakasama. Bagamat klaro na wala siyang mahahabol na para sa kanyang sarili dahil mayroong legal na asawa ang dating kinakasama, nais lamang niyang ipaglaban ang para sa mga anak.
Sa ‘Case 2 Face’ segment naman, naresolba ang isyu sa pagitan ng dalawang lalaki na nagkatutukan pa ng kutsilyo dahil sa kalasingan.
Ang ‘CIA with BA’ ay pagpapatuloy ng nasimulang misyon ni Senador Rene Cayetano, ang yumaong ama ng magkapatid na senador. Si Senador Rene ang orihinal na abogadong nagbibigay ng legal advice sa telebisyon at siyang host ng sikat na programang ‘Compañero y Compañera’ noong 1997 hanggang 2001.
Huwag palampasin ang ‘CIA with BA’ kasama sina Alan, Pia, at award-winning TV host na si Boy Abunda tuwing Linggo ng gabi, 11:30 sa GMA7.
No comments:
Post a Comment