Sa totoo lang, 2 weeks before the announcement ay aminado si Bryan Dy na kalmado naman siya pero kabado dahil naglalakihang pelikula ang entries ngayong taon na pinagbibidahan din ng mga naglalakihang artista natin sa telebisyon at pelikula huh!
For us na nasa publicity and promotions ng pelikulang ' Mallari ' ay malakas ang aming kutob at loob na papasok ito. Una ay pinaghandaan ng Mentorque Productions ang magiging kaledad ng pelikula. Pangalawa, hindi na nila ininda ang talent fee ni Piolo Pascual dahil tatlong Piolo ang mapapanood dito sa suspense-thriller film ni Derick Cabrido.
At higit sa lahat ay hindi tinipid ang pelikula kundi naging all-out ang support ng team Mentorque upang maging maganda ang kuwentong ilalatag ng movie sa silverscreen.
Sa aming panayam kay Bryan Dy via our Group Chat ay narito po ang kanyang naramdaman sa pagkakapisil ng pelikulang ' Mallari ' para sa MMFF 2023 Official Film Entries.
" Una po, sobrang nagpapasalamat sa pagkakataong ibinigay ng MMFF sa pelikula naming Mallari." aniyang bulalas pa.
" Alam po naming hindi biro ang naging proseso nila dahil napakarami ng magaganda sumali this year. To be selected is an honor, may nakita siguro sila sa pelikula natin kaya napasama sa top 10. Mantakin po ninyo sa hirap ng pagpili, ginawa po nilang sampu ang entries. Sobrang saya po ng buong Team natin sa Mallari. "
" Yung pinaghirapan naming obra ay magkakaroon ng pagkakataong maisalang to a wider audience. Sa mga manonood na sabik mapanood ang Mallari, hindi po namin kayo ipapahiya. " pagtatapos pa ni Bryan Dy ng Mentorque Productions.
Umaasa kaming nasa PR group niyang makakapanayam din namin si Piolo!
Mabuhay!!!
No comments:
Post a Comment