' CASE 2 FACE ' SEGMENT NG ' CIA WITH BA ' ALWAYS INTERESTING ANG PINAG-UUSAPANG ISYU

Sa last episode ng CIA With BA qy dalawang lalaki na nag-away dahil sa mansanas ang  pinag-ayos ng ‘CIA with BA’ na humantong sa sinserong paghingi ng tawad at pagpapatawad.

Ayon pa kay Senator Alan Peter Cayetano...

“A wrong doesn’t correct something also that’s wrong. So tayo po man ay makatikim ng injustice, ‘wag mong suklian ng mas masamang injustice kasi pare-pareho lang kayong mapeperwisyo.”

Banat ni Senator Alan Peter Cayetano habang pinagninilayan ang mga kaso na hinarap kasama ang kapatid na si Senador Pia at co-host na si Boy Abunda sa pinakahuling episode ng ‘CIA with BA.’ last Sunday.

Sa segment nitong ‘Case 2 Face’ ay nagreklamo ang isang apple vendor na si Jovi laban sa tricycle driver na si Jhon-Jhon. Inakusahan ni Jovi si Jhon-Jhon na di-umano’y ninakaw ang kanyang mansanas na tinitinda sa isang terminal sa Quezon City. 

Dahil sa kahihiyan, sinuntok at sinakal naman ni Jhon-Jhon si Jovi.

“Hindi ko kinakampihan si Jhon-Jhon pero there’s more than one way to call a person na ‘magnanakaw.’ Maaaring hindi mo ginamit ‘yung salitang ‘magnanakaw,’ pero [para sa] nakarinig no’n, ang dating sa kanya, tinawag mo na siyang magnanakaw,” sabi ni Kuya Alan kay Jovi.

Pinaalalahanan naman ng mambabatas si Jhon-Jhon: “Hindi mo kontrolado ang aksyon ng iba, pero kontrolado mo [ang] reaksyon mo.”

“Maaaring totoong napahiya ka dahil sa kanya, pero makukulong ka hindi dahil sa kanya, [pero] dahil sa ‘yo,” dagdag pa niya.

Bagamat nagkaroon na ng unang pag-uusap ang dalawa sa barangay hall na malapit sa pinangyarihan ng insidente, pakiramdam ni Jovi ay hindi bukal sa loob ni Jhon-Jhon ang paghingi ng paumanhin. Ngunit muli itong kinlaro ng programa na sila ay ligtas mula sa kamay ng isa’t-isa.

Sa pagtatapos ng naturang segment, lumapit si Jhon-Jhon kay Jovi at humingi ito ng tawad. “Pasensya ka na. Hayaan mo hindi na mauulit ‘yon,” aniya.

Nangako naman ang ‘CIA with BA’ na sasagutin ang kanilang mga nagastos noong mga oras na kinailangan nilang harapin ang kaso sa barangay.

Ang ‘CIA with BA’ ay pagpapatuloy ng nasimulang misyon ni Senador Rene Cayetano, ang yumaong ama ng magkapatid na senador. Si Senador Rene ang orihinal na abogadong nagbibigay ng legal advice sa telebisyon at siyang host ng sikat na programang ‘Compañero y Compañera’ noong 1997 hanggang 2001.

‘Wag palagpasin ang ‘CIA with BA’ kasama sina Alan, Pia, at award-winning TV host na si Boy Abunda tuwing Linggo ng gabi, 11:30 sa GMA7.

No comments:

Post a Comment