Sorpresa ang pagbisita ko kay Mamang na halos 5 years kong hindi nakita. Gulat din siya nung bumulaga ako sa harap niya pagpasok ko ng kanilang tent ni Glaiza De Castro who's also in the movie.
Nagkamustahan kami hanggang sa sinabihan niya akong after ng kanyang isang eksena ay gora kami sa kanyang hotel at magtsikahan.
Sa aming naging kuwentuhan ay ramdam ko parin ang Mamang na dating kaibigan at yung walang kiyemeng magkukuwento ng lahat mula sa kanyang puso.
Felt her so much lalo na nung buksan ko ang kuwento patungkol sa kanyang naging pagharap sa hamon ng buhay lately.
Naikuwento niya halos lahat na ikinagulat ko dahil for 6 years or 7 ay naitago niya ang lahat, kinimkim niya ang lahat hanggang sa sumabog na nga siya.
She cried! I felt her! Pero pinigilan ko rin ang maiyak dahil alam kong mabigat ito kaya pampagaan nalang din sa nararamdaman niya.
Currently fighting for something si Mamang na hindi kopo puwedeng ilahad ang nilalaman nito dahil nasa proseso na ang lahat.
Sa labang ito, wala naman akong magagawa kundi ang isama sa dasal ko ang salitang ' victory ' para kay Mamang at sa anak niyang si Malea!
Anyways, while shooting this film, according sa mga taong nakausap ko, very warm as always si Mamang sa lahat ng taong nakakatrabaho niya. Mula sa production staff, co-actors and crew ay pinupuri ang pagiging professional ni Mamang at pakikipag-kapwa-tao sa kanila.
Yan si Mamang Pokwang! Ganyan naman siya mula noon hanggang ngayon. Kaya hindi siya nawawalan ng proyekto dahil alam niya ang salitang professionalism!
Never siyang naging problema sa taping, commitments at shooting dahil napaka-transparent niyang kausap.
" Sobrang blesseeld parin tayo. Yung pinagdadaanan ko ngayon, dasal, dasal lang katapat niyan. Yun ang ipinagpapasalamat ko. " bulalas pa ni Mamang sa aming tsikahan!
Tapos na siyang mag-shooting ng ' Slay Zone ' last Monday.
No comments:
Post a Comment