makuha mula sa insurance company
Nagtungo si Aling Nora sa public service program na ‘CIA with BA’ para humingi ng
tulong kaugnay ng kanyang pera na hindi makuha mula sa isang insurance company.
Sa “Payong Kapatid” na segment ng episode nitong Setyembre 17, hiningi ng senior
citizen ang payo nina Senador Alan Peter at Pia Cayetano at TV host na si Boy
Abunda.
Ayon kay Aling Nora, ang pera na inihulog niya sa Loyola Consolidated Plans ay kinita
niya mula sa pagtatrabaho bilang overseas Filipino worker sa Singapore mula 2012
hanggang 2016.
Noong 2019, nagdesisyon siyang kunin ang pondo ngunit ang sabi sa kanya ng mga
nasa insurance company ay patuloy lamang siyang mag-follow up.
“Meron pa nga pong nakalagay do’n sa papel ko na makukuha ko na [by] January 19,
2019,” kwento niya. “Nung pumunta ako, ang sabi nila wala pang pera ang Loyola.”
“E pinaghirapan ko po ‘yon, magkano lang ang sahod namin sa Singapore that time.
Dapat po ‘yung panghulog ko sa Loyola na ‘yan, dapat ipanghuhulog ko sa NHA
(National Housing Authority) para magkaroon ako ng lote,” pagpapatuloy ni Aling Nora.
Ayon kay Senador Alan, “Sa batas mismo, pag within 15 days at hindi ibinigay ‘yung
claim mo at tama [naman] ‘yung claim mo, pwede ka nang pumunta sa Insurance Commission (IC). Hindi lang ‘yung claim, pati ‘yung danyos ay pwede mo nang i-claim
‘yon.”
“What we’re going to do is our lawyers are going to accompany you. We’re going to ask,
not only for you pero pati dun sa mga iba na naipit nga dito sa Loyola… I will make sure
na mapanood ng Insurance Commission itong testimony mo kasi kung hindi lang ito
sa’yo nangyayari, hindi ‘yan talaga ‘yung intent nung mga reforms na ginawa,” sabi
niya.
Sa pagtatapos ng segment, ini-report ng CIA with BA na ayon sa IC, ang insurance
company na nabanggit ay under receivership proceedings dahil sa financial
deficiencies. Para sa proteksyon ng planholders, nag-issue ang IC ng stay order kung
saan ang mga payment to claims ay suspendido hanggan sa magkaroon ng sapat na
assets converted to cash at handa na para sa distribution.
Sinigurado rin ng IC na ang pangalan ni Aling Nora ay nasa listahan ng kanilang
schedule for planholders’ benefit payable.
“I’m grateful na may opportunity tayo to do public service because beyond the legal
advice, meron tayong mga after-the-show support na mabibigay,” sabi ni Senator Pia sa
pagtatapos ng episode.
Ang ‘CIA with BA’ ay pagpapatuloy ng nasimulang misyon ni Senador Rene Cayetano,
ang yumaong ama ng magkapatid na senador. Si Senador Rene ang orihinal na
abogadong nagbibigay ng legal advice sa telebisyon at siyang host ng sikat na
programang ‘Compañero y Compañera’ noong 1997 hanggang 2001.
‘Wag palagpasin ang ‘CIA with BA’ kasama sina Alan, Pia, at award-winning TV host na
si Boy Abunda tuwing Linggo ng gabi, 11:30 sa GMA7
No comments:
Post a Comment