PUNIT NA LANGIT
Cast: Tiffany Grey, Apple Dy, Aila Cruz, Chester Grecia, Aerol Carmelo, Aria Bench
Directed by: Rodante Pajemna, Jr.
Playdate: September 8, 2023
Dalawang babaeng puno ng pangarap ang mapupunit ng huwad na pagmamahal.
Inihahandog ng Vivamax ang “Punit na Langit” kung saan si Tiffany Grey (2022 MMFF Best Supporting Actress nominee) ay bibida bilang si Claudia kasama ang Pantaxa Laiya star na si Apple Dy bilang Dyosa
Bata pa lang ay naulila na si Claudia, kaya’t lumaki siya kasama ang pinsang si Dyosa. Naging sandigan nila ang isa’t isa. Nagsasabihan ng mga problema’t pangarap. Nang maging pipi si Dyosa, si Claudia pa rin ang nakakaunawa sa kanya.
Isang pangarap ni Claudia ang makapag-aral sa Maynila, at matutupad na nga ito nang matanggap siya sa isang unibersidad doon. Pero bago ang lahat, pupunta muna ang magpinsan sa perya na itinayo sa kanilang munting bayan. Dito na magbabago ang lahat.
Si Chester Grecia ay gumaganap bilang si Rafael, ang may-ari ng perya. Malayo ang tanda niya kay Claudia kaya madali niya itong natukso. Hindi alam ni Claudia na binibidyo ni Rafael ang kanilang pagtatalik. Ito ang gagamitin ni Rafael pang-blackmail kay Claudia. Simula noon, napasok na si Claudia sa negosyong prostitusyon ni Rafael.
Samantala, may nakilala rin si Dyosa sa perya – si Diego, ginagampanan ni Aero Carmelo. Empleyado ni Rafael si Diego bilang operator ng ferris wheel.
Ngayong masaya si Dyosa sa relasyon nila ni Diego, nakalimutan na kaya niya ang kanyang pinsan? May aasahan bang tulong si Claudia sa kanya?
At ano kaya ang magiging papel ni Salve (Aila Cruz), ang tinatawag na “Babaeng Ahas”, sa kanilang buhay? Isa ba siyang kalaban o kaibigan?
Ang “Punit na Langit” ay mula sa panulat at direksyon ni Rodante “Roe” Pajemna, Jr. Ito ang ikalawa niyang pelikula kasunod ng “Happy Breakup”. Ilang music videos na rin ang kanyang idinirek at siya ang tumayong creative producer ng mga nag-aalab na Vivamax series na “High on Sex”, “Pantaxa Laiya”, at “Sssshhh!”. Nag-aral ng filmmaking si Direk Roe sa Amerika. Nagtapos siya ng Bachelor of Arts major in Cinema sa San Francisco State University.
Ipalalabas ang “Punit na Langit” sa Vivamax simula Setyembre 8, 2023.
Punta na sa web.vivamax.net. Maaari ring mai-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store, App Store, at Huawei App Gallery.
Para makapagbayad gamit ang website, maaaring pumili sa EC Pay, 7 Eleven, All Day, All Day, Pay Mongo, GrabPay, GCash, or PayMaya. Para makapagbayad gamit ang app, maaaring pumili sa Globe, Smart, GCash, Paypal, Visa, or Mastercard. Para makapagbayad mula sa Ecommerce, maaaring pumili sa Lazada, Comworks, Clickstore, or Paymaya. Para makapagbayad mula sa authorized outlets, maaaring pumili sa Load Manna, Comworks, Cebuana Lhuillier, Palawan Express, and Load Central. Ang mga cable partners ng VivaMax ay SkyCable, Cable Link, Wesfardell Connect, Fiber, BCTVI, Cebu Cable, Zenergy HD, Cotabato Cable Television Network Corporation, at Concepcion Pay TV Network, Inc.
Nasa UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, at Qatar rin ang Vivamax. Makakapanood na sa halagang AED35/month. Sa Europe, 8 GBP ang halaga ng Vivamax kada buwan.
Mayroon ring Vivamax sa Hong Kong, Japan, Malaysia, at Singapore, Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand,USA at Canada.
Hindi hihinto ang Vivamax para ma-entertain ang buong mundo.
Vivamax, atin ‘to!
No comments:
Post a Comment