LIZZIE AGUINALDO HINDI ITINANGGING CRUSH SI KYLE ECHARRI

Sa katatapos lang na pocket interview ng rising newbie singer ng Star Music na si Lizzie Aguinaldo ay naging maboka ang 15 years old singer sa pagsasabing kinakakaya naman nitong pagsabayin ang pagre-recording at pag-aaral. 

Kanyang sinabing ine-enjoy niya ang pagkanta kahit priority nito ang kanyang pag-aaral na kasalukuyang nasa grade 10 na siya.

" Opo. Am enjoying everything now. Nandiyan naman ang support sa akin ng parents ko, pero po siyempre, hindi ko puwedeng pabayaan ang school ko. " Lizzie exclaimed during the said interview.

She's currently promoting her latest 2nd digital single titled ' Lato-Lato ' composed by Direk Joven Tan na isang award-winning music composer sa Music Industry.

Nag-enjoy diumano si Lizzie while recording the said single na napapanahon naman talaga lalo na nung gawin niya ang music video nito.

Sa aming interview, hindi namin maiwasang intrigahin ang dalaga kung sino ang kanyang showbiz crush!

" Si Kyle Echarri po talaga! " bungisngis pa nitong tsika sa amin.

Gusto niya rin daw makatrabaho soon si Kyle at pangarap din niyang maka-collab ang mga nagsisikatang recording stars sa industry.

Maganda ang boses ni Lizzie at may recall.

Wish namin that one day, makikilala na rin siya ng tuluyan at magtuloy-tuloy ang recording career.

No comments:

Post a Comment