Pagkatapos nilang mag-audition ay agad-agad silang isinalang sa almost 3 months ng workshop sa iba't ibang field kung saan mas nahasa pa diumano ang kanilang taglay na husay sa pag-arte, pagkanta, hosting at kung anu-ano pa ayon na rin sa kuwento ng mga bagets at mga managers nila.
Sa naging pambungad na salita ni NET25 President Caesar Vallejos, umaasa siyang may mapupuntahan ang kanilang kauna-unahang inilunsad na StarKada mula sa bagong Star Center ng network sa pamumuno naman ni Direk Eric Quizon.
Ayon pa kay President Caesar Vallejos, kailangan daw muna nilang mabigyang break ang 1st batch ng Starkada bago sila magplanong maglulunsad muli para sa 2nd batch nito.
In-all fairness ay making waves na ngayon ang NET25 dahil naglalakihang shows na rin at artista sa kanilang kuwadra ang meron sila!
More power NET25! More talented newbies naman sa STAR CENTER!
No comments:
Post a Comment