GLEAM ARTIST MANAGEMENT MASAYA KENA SOFI FERMAXI AT NICKEY GILBERT BILANG BAHAGI NG NET25 STAR CENTER

DALAWA sina Nickey Gilbert at Sofi Fermazi sa hinahangaan kong newbies ng StarKada ng NET25's Star Center. Tama lang na mapabilang sila sa bagong lunsad na grupo dahil mahuhusay naman silang dalawa. Si Nickey Gilbert na ang imahe sa akin ay maldita na suplada at kapag nabigyan siya ng magandang break bilang kontrabida ay tatatak siya. Magaling din siyang kumanta at umarte huh. Balita nga namin ay may plano ng iti-team-up siya sa isa ring baguhang artista na kasabayan niya rin sa StarKada.

Si Sofi naman ay matagal na naming nakilala. Mahusay kumanta ang bagets. I like her look na sabi ko nga eh para siyang batang Gigi De Lana noh! She's pretty huh! Mahusay din siyang umarte ayon na rin sa napanood naming short clips na ginawa ni Direk Ricky Davao for them. Hindi rin pakakabog ang pretty girl ng Gleam Artist Management huh! 

Parehong under the management ng Gleam sina Nickey at Sofi na ayon pa sa manager nilang si Direk Perry Escano ay alam niyang malaking break ito para sa kanyang mga alaga. 

Umaasa rin si Direk Perry na mabibigyang-pansin sina Nickey at Sofi sa mundong pinasok nila. 

Kunsabagay, nangako naman ang pamunuan ng Star Center na dapat makilala muna ang mga bagets ng Batch 1 bago sila maglulunsad muli ng another batch.

Aminin natin, napakaraming naga-gandahang shows inside NET25 na puwedeng paglagyan kena Sofi at Nickey noh! Yun na!

No comments:

Post a Comment