LIGAW NA BULAKLAK MAPAPANOOD NA SA VIVAMAXPH SIMULA SEPTEMBER 22

LIGAW NA BULAKLAK

VIVAMAX ORIGINAL MOVIE

STARRING: CHLOE JENNA, ARRON VILLAFOR, SHIELA SNOW, JERIC RAVAL

DIRECTOR: JEFFREY HIDALGO

PLAYDATE: SEPTEMBER 22, 2023

 

Magsasama sina Chloe Jenna at Aaron Villaflor para sa pinakabagong psycho-sexy thriller Vivamax Original Movie. Mawala at malunod sa iyong mga pantasya – panoorin ang Ligaw na Bulaklak, streaming exclusively sa Vivamax ngayong September 22, 2023.

 

Isang hunk actor ang maaksidente sa gitna ng kawalan na isasalba ng lalaking may kapansanan at kahina-hinalang babae na maraming nalalaman tungkol sa pagkatao niya.

 

Si Kevin (Arron Villaflor) ay sexy film actor na nasa remote location para sa shooting ng pelikula. Pagkatapos ng trabaho, nagkaroon ng cast party kung saan nag-uumapaw ang alak at droga. Matapos ang masayang gabi at wild na pagpa-party, pinilit ni Kevin na lumuwas na sa siyudad kahit na pinipigilan ito ng mga kasamahan para makaiwas sa peligro. Nagkatotoo ang hula ng mga ito at naaksidente nga si Kevin.

 

Nang magising, nasa bahay kubo na sa liblib na lugar si Kevin, hindi makalakad dahil nabalian ng binti. Inaasikaso at inaalagaan siya ng dalagang si Dian (Chloe Jenna). Nalaman din ni Kevin na isang pipe ang nagligtas sa kanya sa aksidente, si Tatay Dune (Jeric Raval).

 

Ikinagulat din ni Kevin na maraming alam si Dian tungkol sa kanya. Ayun pala ay masugid niya itong tagahanga na sinusubaybayan ang mga pelikula niya. Hindi na rin naiwasan ni Kevin na mapansin ang kagandahan ni Dian, at magkakaroon ng malakas na sexual tension sa pagitan nila na mauuwi sa mga maiinit at mapupusok na gabi. Unti-unting mapapalapit ang loob ni Kevin sa mga tao at masasanay sa buhay niya ngayon. Pero sa pagtagal ni Kevin sa lugar ay may mga mapapansin at madidiskubre siyang kahinahinala at nakakabahalang bagay tungkol kay Dian at Tatay Dune.

 

Ang Ligaw na Bulaklak ay ang latest film ni Jeffrey Hidalgo sa Vivamax. Bibida rito sina Chloe Jenna, Aaron Villaflor, at Jeric Raval. Makakasama rin nila si Sheila Snow na gaganap bilang Cassie, ang screen partner ni Kevin.

 

Habambuhay na bang mawawala si Kevin sa piling ni Dian? O makaalis pa ito at makabalik sa dati niyang buhay? Panoorin na ang Ligaw na Bulaklak, streaming exclusively sa Vivamax ngayong September 22, 2023.

 

Mag-subscribe na sa Vivamax sa halagang P169 kada buwan, at P419 naman para sa tatlong buwan. Bisitahin ang www.vivamax.net o i-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store, Huawei App Gallery and Apple App Store.

Sa mga magbabayad sa website, maaring magbayad sa EC Pay, 7 Eleven, All Day, All Day, Pay Mongo, GrabPay, GCash, or PayMaya.  Para sa magbabayad gamit ang app, maaring pumili sa Globe, Smart, GCash, Paypal, Visa, or Mastercard.  Para naman sa magbabayad gamit ang Ecommerce, maaring magbayad gamit ang Lazada, Comworks, Clickstore, or Paymaya.  Maari ring magbayad mula sa mga authorized outlets, kagaya ng Load Manna, Comworks, Cebuana Lhuillier, Palawan Express, and Load Central.  Ang mga cable partners ng VivaMax ay  SkyCable, Cable Link, Wesfardell Connect, Fiber, BCTVI, Cebu Cable, Zenergy HD, Cotabato Cable Television Network Corporation, at Concepcion Pay TV Network, Inc.  

Mapapanood na rin ang Ligaw na Bulaklak sa Vivamax Middle East! Para sa mga kababayan natin sa UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar, Maa-access na ito sa halagang AED35 kada buwan. Mapapanood din ang Vivamax sa Europe sa halagang 8 GB kada buwan.  


Ang Vivamax ay mapapanood na rin sa Hong Kong, Japan, Malaysia, Singapore, Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand, at pati na rin Canada at United States of America.                        Vivamax, atin ‘to!

No comments:

Post a Comment