Bayani Love’s Hero Z
sa panulat at direksyon ni Atty. Vincent M. Tañada
Ang dulang Bayani Love’s Hero Z ay isang orihinal na Filipino Musical na sumasalamin sa
mahahalagang kaganapan at kasaysayan ng Pilipinas sa panahon ng Kastila ngunit
ginamitan ng talinhaga at isinalin sa isang hindi matukoy na panahon sa isang magulong
komunidad.
Ang komunidad ay marahas na pinaghaharian ni Boss Tsip. Sa kanyang kagustuhan na
lipulin ang mga tumutuligsa sa kanyang pamamahala at maubos ang mga dukha, nagimbento ang kanyang pangkat ng mga siyentipiko ng isang virus na mabilis na kakalat sa
mga pamayanan. Wala pang lunas ang virus na ito.
Sa gitna ng mga kaganapang pang-aabuso ng kanyang pamamahala, na maihahalintulad
sa pagdidiin sa mga indio ng mga Kastila, umusbong ang apat na magkakaibigan na
siyang lalaban sa kawalan ng katarungan at aasam sa Kalayaan: Si Andy (halaw sa
katauhan ni Andres Bonifacio), Jayriz (Jose Rizal), Kudz (Sultan Kudarat) at Pol (Apolinario
Mabini).
Ang apat na magkakabarkada ang maglalakas loob upang kalabanin ang maling
pamamahala ni Boss Tsip at ng kanyang mga tagasunod.
Sa gitna ng pagkalat ng virus, pinag-utos ni Boss Tsip ang isang pangmalawakang
lockdown upang mapigilan din ang pagtuligsa at napipintong rebelyon na sinimulan ni
Ding (halaw kay Diego Silang), isang uring manggagawa. At sa pagpatay kay Ding,
pinagpatuloy ng kanyang balo na si Ella (Gabriela Silang) ang pakikipaglaban sa tulong
ng isang matanda na si Tata Selo (halaw kay Melchora Aquino o Tandang Sora. At sa
pagigipit ni Boss Tsip umusbong ang kagustuhan ng apat na bida na tumulong sa
pagsiwata ng virus at ganon na rin ang pagtutol sa marahas na pamamalakad.
Si Kudz na isang muslim ang unang pinagdudahan at kinulong. Sa kabila ng
pagsusumamo ni Andy na ipagpatuloy na ang rebelyon, hindi ito nagpatuloy dahil sa hindi
pagsang-ayon ni Jayriz. Pinaglalaban ni Jayriz na kailangang itaguyod ang edukasyon
upang magkaroon ng lakas ang lipunan na inaapi ng pamahalaan. At sa pagkamatay ni
Pol dahil sa isang karamdaman, naglakas loob si Jayriz na tumakas sa lockdown at
magtungo sa ibang bansa para ipagpatuloy ang edukasyon. At sa pag-aaral ni Jayriz at
sa pagtatapos bilang isang ganap na mediko, natuklasan niya na isang gawa-gawang
virus pala ang kumakalat sa kanyang bayan. Natuklasan din niya ang tamang gamutan
upang masiwata ang virus.
Sa pagbabalik ni Jayriz at pagdadala ng lunas sa karamdaman, binaliktad pa siya ng
pamahalaan ni Boss Tsip at pinaratangan pa ng rebelyon at sedisyon. Sa isang pekeng
paglilitis, hinatulan si Jayriz ng kamatayan at siya ay binaril sa plaza. Ito ang nagtulak
para kay Andy na ipaglaban ang Kalayaan kasama ang mga uring manggagawa na mga
kasamahan siya. Sa pagtatagumpay ni Andy laban sa marahas na si Boss Tsip,
napatunayan na maaabot ng bayan ang inaasam kung mayroong pagkakaisa at malinis
na hangarin na ipagtanggol at mahalin ang bayan.
Ang dulang musikal na ito ay malikhain at artistikong interpretasyon sa mahalagang
kasaysayan ng Pilipinas upang maging mas malapit sa wika, gawi, musika, galaw, at
kasuotan ng makabagong panahon. Sa pamamagitan nito mas magiging malawak at
malikhain ang kaisipan ng mga kabataang manonood. Ang pagpasok ng paksa ukol sa
pandemya ay isa ring epektibong pag-unay ng kasaysayan sa makabagong panahon. Ang
lahat ng mga paksa na ipinasok sa dula ay magiging epektibo na paraan upang magamit
ang sining sa pag-eduka sa ating mga kabataan. Ang pinakamabisang layunin ng dulang
ito ay ang pagsasanib ng sining, kasaysayan at danas para makapagturo sa lahat ng mga
manonood.
Mula sa panulat at direksyon ng Multi-awarded director and writer (Aliw, Broadway World,
Dangal ng Bansa, Palanca and FAMAS, among them) Vincent M. Tañada at musika ni Pipo
Cifra bilang musical director. Ang dulang Hero Z ay para sa lahat ng manonood (general
patronage), ang dula ay tatakbo ng may humigit kumulang isa’t kalahating oras.
“Bayani Love’s Hero Z” will run in theatre venues all over the Philippines from October
2023 till August of 2024. The musical will feature the music of the multi-awarded musical
director and composer Pipo Cifra, and the actors’ pool of PSF. For show buyers and other
inquiries, you may contact us through Ms. OJ Arci - 09166181831 and Mr. Johnrey Rivas
No comments:
Post a Comment