CIA WITH BOY ABUNDA TINUTUTUKAN NG BUONG BAYAN

Sa katatapos lang na episode ng CIA With Boy Abunda last Sunday, September 10, 11:30 pm sa GMA Channel 7 ay muling pinatunayan ng programa sa pamamagitan nina King Of Talk Boy Abunda at Cayetano siblings na sina Senators Alan Peter Cayetano at Pia Cayetano na kahit may gusot at reklamo ay posible paring pagmamahal sa kapwa ang mananaig sa isang sitwasyon.

Yan din mismo ang naging takeaway ni Boy Abunda last Sunday when he reflected on the story sa segment nitong ' Case 2 Face ' kung saan isang Berly ang nagreklamo sa kanyang elderly na kapitbahay na si Trinidad dahil diumano sa pananakit nito sa kanyang anak ng ilang beses kung saan itinanggi naman ito ni Trinidad.

Bago pa man humantong sa reklamo ang lahat ay itinuring na palang parang tunay na Ina ni Berly si Trinidad. Meaning, malapit na ito sa kanyang puso.

Naging maganda at maayos ang talakayang naganap kung saan nangibabaw pa rin sa dalawa ang salitang hango sa isang Bible verse na ' love thy neighbor ' sabay sabing ang tao ay hindi ginawa para sa batas, ang batas ang ginawa para sa tao. Ayon pa kay Senator Alan, human relations parin daw talaga ang mangingibabaw kung saan yun nga ang nangyari sa nagreklamo at inireklamo.

Maganda ang ginagawang pagtutok at pagtalakay ng tatlong host sa bawat episode nila simulang umere ang naturang programa huh! May best ideas kasi na nanggagaling sa tatlo at winner ang bawat bigkas ng salitang binibitiwan nila kaya naman tutok ang buong bayan sa programa na panalo rin ang ratings.

The said program CIA With Boy Abunda continues the legacy of Senator Rene Cayetano na late father of siblings Alan and Pia kung saan nakilala ito sa programa nito noong ' Companero Y Companera ' na isang radio and television show noong 1997 hanggang 2001 ayon na rin sa pagiging mahusay nitong abogado.

Patuloy ang pagtutok sa CIA With Boy Abunda tuwing lingo ng gabi, 11:30pm sa GMA Channel 7! 



No comments:

Post a Comment