CIA with BA,’ muling pinatunayan ang kahalagahan ng mga relasyon
Ang kasabihang galing sa Bibliya na “love thy neighbor” ang naging takeaway ng award-winning TV host na si Boy Abunda mula sa kasong tinalakay kasama ang magkapatid na senador Alan Peter at Pia Cayetano sa pinakahuling episode ng ‘CIA with BA.’
Sa segment na ‘Case 2 Face’ nitong Linggo, September 10, inireklamo ni Berly ang nakatatandang kapitbahay na si Trinidad dahil sa ilang beses na pananakit nito diumano sa kanyang anak. Mariin namang itinanggi ito ni Trinidad.
Habang may karapatan magsampa ng kaso si Berly, mas nangibabaw ang relasyon at pagmamahal niya kay Trinidad, na itinuring niya na ring parang tunay na ina.
“Kung ano ang kayang pag-usapan, pag-usapan,” giit ni Abunda habang pinagninilayan ang kanilang kwento.
Naalala naman ni Senador Alan ang 1 Timothy 1:9 sa Bibliya na nagsasabing, “ang tao, hindi ginawa para sa batas.. ang batas ang ginawa para sa tao.”
“Kung titignan mo, nung binabasa ko [kung] ano ‘yung batas sa child abuse… pero nung nakita mo na sila (Berly and the older woman), it’s not about the law e, ‘di ba?” pagpapaliwanag niya. “It’s about ‘yung tao e, ‘yung relationship nila, kung paano kakausapin, paano ipapaliwanag.. human relations pa rin talaga.”
Ang ‘CIA with BA’ ay pagpapatuloy ng nasimulang misyon ni Senador Rene Cayetano, ang yumaong ama ng magkapatid na senador. Si Senador Rene ang orihinal na abogadong nagbibigay ng legal advice sa telebisyon at siyang host ng sikat na programang ‘Compañero y Compañera’ noong 1997 hanggang 2001.
‘Wag palagpasin ang ‘CIA with BA’ kasama sina Alan, Pia, at award-winning TV host na si Boy Abunda tuwing Linggo ng gabi, 11:30 sa GMA7.
No comments:
Post a Comment