YUKII TAKAHASHI BEAUTY AND BRAIN

Mula sa pagiging isang sikat na Tiktoker ay tuluyan na nga'ng pinasok ni Yukii Takahashi ang mundo ng pelikula at telebisyon.

Sa imbitasyon ng Cornerstone Entertainment ay nakasalamuha namin si Yukii last tuesday afternoon, dated June 6, 2023 sa The Cliff, Timog.

Pagpasok palang niya ay nasabi kong hindi lang siya artistahin kundi pang-beauty queen din siya huh. Hindi lang siya ganoon ka-tangkad pero kung shape of her face o kagandahan at poise ang pag-uusapan ay taglay niya ito. 

Nasabi rin naming brainy ito nung sinasagot niya ang mga tanong na ibinabato sa kanya ng entertainment media during the said media launching.

During the question and answer portion ng media launch, yan na rin ang naitanong ko sa kanya kung okey ba sa kanyang pasukin ang beauty pageant world.

Deretsahan niya naman itong sinagot na as of now ay mas gusto niya munang tutukan ang kanyang pag-aartista lalo na't magandang buena-mano diumano ang pagkaka-cast niya bilang regular actor sa seryeng ' Batang Quiapo ' ni Coco Martin lalo na't siya ang ginawang ka-tandem ni McCoy De Leon.

Naikuwento pa nitong tututok daw muna siya sa paga-artista dahil ito naman daw talaga ang kanyang naging ultimate dream.

Maybe someday daw ang pagrampa at isa-isa lang daw muna ang atake niya. Maganda talaga si Yukii na isang Half-Filipino-Japanese na sa kanyang pagpasok sa showbiz ay naka-todo-suporta naman daw ang kanyang mga magulang.

Sabi ko nga sa kanya, masuwerte siya at pinagpala dahil hindi lahat ng naga-artista ay kumakabig kaagad ng magandang suwerte sa showbiz. Sinabihan ko rin siya na maganda ang naging desisyon nitong gawing bahay ang Cornerstone dahil kilala ang talent management company na ito at naglalakihang artista ang nasa loob nito at making waves naman talaga sa showbiz. Yun na!

No comments:

Post a Comment