LIZZIE AGUINALDO'S SINGLE NA ' BAKA PWEDE NA ' PUNONG-PUNO NG PUSO

Isang bonggang single and media launching ang naganap last week sa isang ballroom ng Luxent Hotel. Ito ay ang tuluyang pagpapakilala kay Lizzie Aguinaldo bilang pinakabagong recording artist ng Star Music kasabay ng paglulunsad ng kanyang single na ' Baka Pwede Na ' na sinulat ng award-winning music composer and movie director na si Joven Tan.

Well-attended ang naturang event kung saan nasaliyan rin namin ang mga kapamilya ni Lizzie para suportahan siya ganoon din ang kanyang Star Music family.

Maganda ang nilalamn ng kanyang single na ' Baka Pwede Na ' ganoon din ang pagkakakanta ni Lizzie. Gandang-ganda kami sa kanya lalo na nung pinapanood namin ang ginawang music video ni Direk Joven Tan. 

Actually, kapag tiningnan mo si Lizzie, total package na siya bilang isang singer na ayon pa sa salita ni Direk Joven Tan na habang tumatagal siya sa pangarap niyang maging singer ay lalo pa siyang made-develope bilang isang performer. Proseso raw kasi ito at kayang-kaya diumano itong gawin ni Lizzie.

Ayon pa kay Lizzie, sa tuluyang pagpasok niya sa showbiz partikular sa music scene ay malaki diumano ang kanyang pasalamat sa kanyang pamilya dahil sa wakas, sa hinaba-haba ng kanyang paglalambing na payagan siya ay sinuportahan naman siya sa wakas.

Nangako naman ang Star Music na gagawin naman nila ang lahat para mai-angat ang karera ni Lizzie sa music scene.

No comments:

Post a Comment