BERNIE BATIN PALIT IMAHE NA BA?

Sa launching nina Christi Fider,Shira Tweg at Bernie Batin bilang bahagi ng Manic ay naging deretsahan si Bernie Batin-Ang sikat na pinaka-masungit na tindera sa balat ng lupa sa pagsasabing pangarap niya talagang maging drag star noon. 

" Sobrang first time ko po talaga. As in. Kaya nga po tuwang-tuwa ako na nagawa ko today. Pangarap ko po talaga ito noon pa. " bulalas pa ni Bernie during the said.launching na ginanap sa The New Music Box sa Timog, Quezon City.

" Pero nung sa school po namin noon ay suma-sali-sali na rin po ako. Kanta-kanta at nakabis at walang make-up. Mga ganoon po. Yung ngayon po, first time kong gawin ang nakabihis ng ganito at nagli-lipsync lang. Nag-enjoy naman po ako sa aking pagiging Britney ngayon! " natatawang bulalas pa nito sa amin.

Palit imahe na nga ba siya from Bernie to Britney?

" Naku! Hindi po. Basta. Abangan nalang po nila ako sa mga susunod na araw at nandito parin po ako. " aniya.

Nabalita rin ang pagsasara ng kanyang tindahan kung saan niya ginagawa ang kanyang blog at doon din siya nakilala. Totoo ba?

" Ayan na nga po ang nakakaloka! Ang dami nga pong nagtatanong sa akin kapag nakikita nila ako na nag-ba-bye naraw ako sa tiktok at sa pagba-vlog ko, ang sabi kong ganoon sa kanila ay mukhang hindi niyo po tinapos yung video. Sobrang prank lang po yun pero natutuwa po ako dahil ang dami pong naapektuhan. Nalaman ko lang din po na sobrang napakarami po pala talaga ang nagmamahal sa atin. " aniyang paglilinaw.

Sa kasalukuyang tinatakbo ng kanyang showbiz career ay marami diumanong dapat ipagpasalamat si Bernie. Lalo na't napakarami niya ng naipon at natutulungan.

Tuloy-tuloy lang daw ang kanyang ginagawa at hindi raw siya mawawala. 

Bernie is promoting his 2 latest singles ' Utang Mo at Pabile Wanpepti ' na available napo sa lahat ng digital platforms.

No comments:

Post a Comment