SHIRA TWEG HINDI NAITAGONG CRUSH SI DANIEL PADILLA

Unang nasilayan si Shira Tweg sa pelikulang ' Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko ' kung saan siya ang gumanap na batang Sharon Cuneta. 
Sinasabing kahawig daw niya si Bea Alonzo. Half Israeli at half Pinay si Shira base sa Israel but when Shira wanted to pursue her singing career, nagdesisyon na ang kanyang pamilyang dito na sa Pinas manatili.

During Shira's launching bilang Manic talent ay hindi ko maiwasang purihin ang kanyang ganda. Kung titingnan mo siya mula ulo hanggang paa ay total package na siya.

Kanya rin inamin sa entertainment media na fan na siya ng KathNiel lalo na't crush na crush niya raw si Daniel Padilla. 
" Crush ko si Daniel Padilla. I'am a fan of KathNiel. When i came here sa Philippines, napapanood ko na ang mga teleserye nilang dalawa. I love how Daniel acts, his persobality, everything! " saad pa ni Shira.
Sa naturang event ay pinarinig na rin ni Shira ang first single niyang Pag-Ibig na sinulat ng movie director-composer na si Joven Tan.
Wala naman daw sa kanyang vocabulary sa ngayon ang pagsali sa mga beauty contest! Yun na! 

No comments:

Post a Comment