CHRISTI BUMUO NG KANTA PARA SA MGA ' FAKE ' FRIENDS

One thing is for sure, mahal talaga ni Christi Fider ang pagkanta that's why hanggang ngayon ay patuloy parin siya sa kanyang karera bilang isang singer at composer. 

Sa ginawang launching ng Manic para kena Bernie Batin, Shira Tweg at Christi ay kitang-kita namang patuloy ang pagpapapayat ni Christi who truly gained weight para daw mas maipagpatuloy pa nito ang kanyang paggawa ng kanta at pagiging isang singer. Pero sa kabilang banda raw ay mukhang hindi niya na kailang itodo ang pagpapapayat niya dahil may nagsabi diumano sa kanyang hindi niya na kailangang magpaliit ng husto. 

Naging inspirasyon niya diumano ito upang talikuran kapag may nag-body shaming sa kanya just to please the industry dahil naniniwala diumano siyang payat ka man o chubby, hindi na diumano ito ang basehan para ipagpatuloy ang kanyang career kaya raw nabuo ang kanyang latest single na Reyna!

During the said event ay kinanta rin ni Christi ang kanyang bagong kantang may titulong FAKE na para diumano sa kanyang mga naging kaibigang fake.

Ayon kay Christi, di bale ng dalawa lang ang kaibigan niyang totoo keysa naglipana pero mga fake naman.

" Yes. Because hindi naman po kasi natin hawak ang nasa isip ng bawat tao. Basta po ako, happy po ako sa sarili ko, fake friends na kapag nakatalikod ka, sisiraan ka, tapos kapag kaharap ka ang bait-bait, mga ganoon. Hindi naman daw maiiwasan yun, ako kasi kapag ganoon, cut-off na eh. Kasi ayoko narin namang magtiwala pa. It's easy to forgive, papatawarin ko, pero i will never forget. " aniyang bulalas pa sa amin.



No comments:

Post a Comment