' MONDAY FIRST SCREENING ' NG NET25 FILMS MAMAHALIN NG MASA AT KARAPAT-DAPAT PANOORIN

Habang patuloy na lumalawak at nagtatagumpay ang NET25 sa larangan ng telebisyon, tinatawid na rin ng network ang pagbuo ng pelikulang tiyak na kagigiliwan ng mga Pilipino. Tampok sa bagong milestone na ito ang tambalan ng dalawa sa mga respetado at mahuhusay na aktor sa bansa na sina Ricky Davao at Gina Alajar sa pelikulang ' Monday First Screening ' ng NET25 Films.

Ang pelikula na tinaguriang ' senior citizen ' rom-com ay nakasentro sa kwento ng dalawang senior citizen na may namuong pagmamahalan mula sa panonood ng mga libreng pelikula sa unang screening tuwing Lunes gaya ng ginagawa ng marami sa ilang mall sa Metro Manila.

Mas makikilala ng mga manonood si Lydia ang karakter ni Gina Alajar na isang retiradong high school principal na sumasama sa grupo ng mga senior citizen gaya niya para manood ng sine sa mall.

Matutunghayan rin sa pelikula ang mga award-winning actor na sina Ruby Ruiz, Soliman Cruz, Che Ramos at David Shouder kasama ang umuusbong na loveteam na dapat abangan nina Allen Abrenica at Reign Parani.

Ang ' Monday First Screening ' ay sa direksiyon ni Benedict Mique. Kasama niyang sumulat ng screenplay si Aya Anunciacion habang si Owen Berrico ang director of photography.

Maganda naman talaga ang kuwento ng pelikula. Ayon pa sa dalawang bida ng pelikula, pareho silang naging excited nung i-offer sa kanila ang proyekto.

Parehong award-winning ang mga aktor ng pelikulang ito at huwag palampasin! 


No comments:

Post a Comment