PIOLO PASCUAL MASAYA NA SA BUHAY

Isang serial priest killer ang gagampanang role ni Piolo Pascual sa pelikulang ' Mallari ' na produced ng Mentorque Productions ni Bryan Dy. Maglalaro sa taong panahon ang karakter ni Piolo sa film ni Derick Cabrido na magsisimula ng mag-shooting soon. 

Sa tatlong timelines palang, lilimas na ng budget ang comeback film ni Piolo pagdating sa costumes and production design. Paghahandaan talaga ito dahil isang Piolo Pascual nga ang bida at comeback niya ito.

Marami nga ang nagtanong bakit ngayon pa niya naisipang tanggapin ang mga ganitong klaseng role? Goodbye na nga ba sa sweet image ang sikat na aktor?

Hindi po namin masasagot yan. Basta ang alam namin, nung i-offer kay Piolo ang nasabing role, nung una raw ay medyo nag-isip pa ito hanggang sa nagdesisyon daw siyang why not do it! 

Oo nga naman! He's not getting younger na noh! Napapanahon na rin para masubukan niya ang iba pang papel sa pelikula o telebisyon man yan para makapag-explore na siya bilang isang aktor at hindi yung naka-boxed lang siya!

When we heard about it, natuwa kami kay Piolo. Sabi nga namin, bakit now lang? Dapat noon pa siya kumawala noh! 

Given na ang pagiging magaling na aktor ni Piolo at halos lahat ng pelikulang ginawa niya ay kumita sa takilya noh! Sa totoo lang! 

Wala naman na siyang mahihiling pa sa kanyang showbiz career. Nasa kanya na nga raw ang lahat. Kasikatan at kayamanan.

Pero wait? May anak na siya. Pero wala pa siyang asawa? Kelan daw? 

Ayon kay Piolo, he's used to it already at hindi na nito iniisip ang isang partner dahil masaya na raw siya sa buhay niya, sa disposisyon niya dahil inspirado naman daw siya ng kanyang anak na si Inigo Pascual who's making waves naman daw sa career nito dito sa Pinas at sa ibang bansa.

Oo nga noh! Maaring contented na si Piolo sa kanyang buhay. Hindi naman requirement sa langit na dapat may asawa ka bago ka papasukin, divaaaa???

Hay naku! Basta! Beautiful ang character niya sa pelikulang ito. Perfect siya sa nasabing role at naging unanymous ang pagkakapisil sa kanya to do it. 

Lalaban pala ang pelikulang ito na intended talaga para sa Metro Manila Film Festival 2023 ngayong Disyembre! Higit sa lahat ay excited na rin si Piolo na gawin ang film.

Abangan na rin daw natin ang planong concert ni Piolo within the year ends! Pak na pak! 

No comments:

Post a Comment