QUINN CARRILLO BAGUHANG MAHUSAY AT NAKIPAGSABAYAN SA PELIKULANG LITRATO

The whole time ay nasa set ako ng pelikulang magpapaiyak at aantig sa inyong mga puso ngayong July 26 in cinemas nationwide. Ang pelikulang ' Litrato ' na pinagbibidahan ni Ai Ai Delas Alas sa direksiyon ni Louie Ignacio kasama sina Ara Mina, Liza Lorena, Bodjie Pascua at Quinn Carrillo. Produced po ito ng 316 Media Network ni Len Carrillo.

Sa mga naglalakihang aktor kahilera ni Quinn, given na ang pagiging mahusay ng nga ito mula telebisyon at pelikula. 

What kept me in, ang baguhang si Quinn Carrillo na nagsimula bilang seksing aktres sa mga pelikula ng Vivamax hanggang sa taglay nitong katalinohan ay nakapagsulat na rin siya ng magagandang script kung saan naglalakihang artista ang nagsipagganap dito at patuloy na nagsusulat ngayon kasabay ng kanyang pag-arte sa harap ng kamera.

While shooting the film, i've seen kung paano ginampanan ni Quinn ang kanyang role. Kita ko ang kanyang pagmamahal at pagyakap sa kanyang ginagawa ngayon.

Hindi pa man ganoon kahinog si Quinn dahil siya'y isang baguhan palang sa larangan ng pag-arte, ipinamalas ni Quinn ang kanyang husay sa abot ng kanyang makakaya sa pelikulanh ito.

Bilang isang baguhan ay walang takot nitong sinabayan si Ai Ai Delas Alas sa lahat ng kanilang naging eksena sa pelikula, magaan man o mabigat.

Hindi siya nagpatinag kundi ibinuhos rin ni Quinn ang kanyang kakayahan mula sa pagbibitiw ng linya at pagluha! Sabi ko nga, ibang klaseng Quinn Carrillo na ang aking nakita sa pelikulang ito  

Nasabi kong, she can do it kahit na anong role ang ibigay mo sa kanya ay hindi ka mapapahiya sa kanya. In this film, sa kabuuan, since nauna na naming napanood ang movie, Quinn truly nailed it! Iba rin!

Panoorin ang kanyang madamdaming pagganap sa Litrato. Magbubukas na sa mga sinehan nationwide simula July 26! 

More and more beautiful script and film Quinn! Congrats ahead! 




No comments:

Post a Comment