PIOLO PASCUAL GAGANAP BILANG ISANG KILLER PRIEST SA PELIKULANG ' MALLARI ' NG MENTORQUE PRODUCTIONS

Hindi biro ang ilalabas na pera ni Bryan Dy ng Mentorque Productions bilang producer ng comeback movie ni Piolo Pascual titled ' Mallari ' sa direksiyon ni Derick Cabrido.

Hindi basta-basta ang magiging production design nito sa dahilang tatlong timelines ang susuungin ng pelikula mula taong 1840 kung saan aabutin din ng halos 20 shooting days ito.

Ayon kay Bryan Dy, naging unanymous decision ito kaya napunta kay Piolo ang pelikula kung saan gagampanan niya naman ang papel ng isang Pari.

Sa trulagen lang, nangarap din palang maging isang Pari si Piolo noon sa totoong buhay ayon pa sa sikat na aktor during the said media launch.

Masaya diumano si Piolo at napunta sa kanya ang naturang project na sana raw ay magtuloy-tuloy narin ang pagiging busy niya sa paggawa ng pelikula.

Sa punto ng kanyang karera bilang isang sikat na aktor, napakarami pa palang gustong gawin at patunayan ni Piolo sa kanyang buhay. 

Mula sa mukha ng telebisyon, Musika at pelikula ay proud naman nitong ibinalitang bumenta ang kanyang katatapos lang na ginawang stage play na Ibarra.

Ibinalita rin nitong isang malaking concert naman ang nakatakda niya pang gawin within the year. 

Masaya diumano si Piolo sa pagkakapisil sa kanya bilang isang Pari s pelikulang ' Mallari ' kahit medyo mabigat daw ang tatlong timelines niyang nakatakdang gawin.

Anytime soon ay uumpisahan na ang shooting ng pelikula. Mismong si Piolo na rin ang nagsabing wala pa siyang ideya kung sinu-sino naman ang kanya g makakatrabaho sa movie.

Pero ang tanong ng karamihan ay kung bakit ayaw parin daw nitong mag-asawa?

Yun na! Ask Papa P nalang! 



No comments:

Post a Comment