BABY GO NAGLABAS NA NG KANYANG OFFICIAL SWORN STATEMENT PATUNGKOL SA ISYUNG KINASASANGKUTAN NGAYON

Parehong malapit sa aming mga puso sina Baby Go at Marc Cubales dahil parehong nasa puso rin nila ang entertainment industry for many years already.

Parehong may koneksiyon din ang dalawa sa aming mga taga-media kaya naman ikinagulat namin kamakailan lang ang nangyaring pasabog sa social media ng mag-asawang Marc Cubales at Joyce Pilarsky at dito nga lumabas ang pangalan ni Baby Go ng BG Productions.

Sa imbitasyon ng kaibigang Joey Sarmiento na alam namin kung gaano kalapit sa puso ni Baby Go ay nakasalamuha namin kaninang 1pm, June 8, araw ng Huwebes sa isang restaurant sa Mandaluyong City.

Mahirap para sa amin sa totoo lang ang papanig sa isang side of the story lalo na't nasa proseso na ito ng legal cases. Sabi ko nga, dapat maging fair lang sa pagbibigay ng treatment sa dalawang kampo para walang masasagasaan at matatabunan dahil tulad nga nung sinabi ko kanina, parehong malapit sa aming puso ang dalawa.

Kaya ko po ginawa ang artikulong ito para sa unang pagkakataon ay makuha at makita ninyo ang side of story ayon na rin sa kanyang naging official sworn statement si Madame Baby Go. Hanggang sa ganitong panulat muna ang aking magagawa dahil alam kong marami pang mangyayari sa mga darating na araw patungkol sa usaping ito involving our 2 friends from this business.

Sa mga darating na araw, sigurado akong maglalabas din ng kanyang sagot ang kabilang kampo at sinisiguro ko pong bukas na bukas rin po ang aking pahina dito sa ShowbizlandiaPH para naman sa kanila.

Sa aking pagtatapos, nasabi ko kanina na mahirap dahil unang-una ay hindi naman kami involve sa istorya at hindi ko naman talaga alam ang pinaka-ugat ng kuwentong ito kung bakit nagkaroon na ng sanga at pakpak ang sitwasyon.

Bilang kaibigan naman, sana magkaayos pa rin ang dalawang kampo, the usual thing na pinagdadasal namin sa mga ganitong sitwasyon lalo na't hindi na naiiba kundi kaibigan narin namin sa industriya ang nasa kuwento.

No comments:

Post a Comment