SETH FEDELIN PERFECT MALE CELEBRITY BILANG NEWEST BNY AMBASSADOR

March 25, 2023 --- Naimbitahan ako to attend the launching of BNY's Newest Ambassador yesterday na ginanap sa Moon Rabbit along Ledesma Street, San Juan. 

While driving papuntang venue ay punong-puno ako ng excitement dahil after 3 years ay muli kong makakasalamuha at mayakap ang inaalagaang anak-anakang si Seth Fedelin. 

Pagdating ko doon ay dumaan pako sa isang swab test at negatibo naman ako. Pagpasok ko sa resto ay nakita ko kaagad ang guwapo kong alaga at nung magkaroon ng chance ay niyakap ko talaga siya ng mahigpit sabay sabi sa akin kung bakit ngayon niya lang ako nakita at bakit ngayon lang ako nagpakita sa kanya.

Sinagot ko lang naman siya na napakaraming nangyari at pangyayari at matalino si Seth kaya naman naintindihan niya na ang ibig kong sabihin. Ang importante ay nagkita kami ulit at nagkausap at higit sa lahat ay mas matangkad naraw siya keysa sakin! Kaloka ang guwapong bagets, diba?

Anyways, perfect ang pagkakapili sa kanya upang maging ambassador o endorser ng BNY. Take note, 30 years na pala sa market ang BNY clothing brand na ito at hindi ito natinag kailanman sa dinami-rami ng clothing brands na nakikita natin kung saan-saang mall.

Sinundan ni Seth Fedelin si Joshua Garcia bilang ambassador ng BNY na by December pa yata magi-expire ang contract sa BNY.

Proud naman dito si Seth, obcourse! Pinasilip pa ni Seth ang isang larawan niya sa katatapos lang na photoshoot niya for BNY at sobrang guwapo niya talaga at bagay na bagay sa kanya ang kanyang kasuotan sa pic na gagamitin for sure sa mga ilalagay na poster niya sa lahat ng mall outlets ng BNY at napaka-perfect niya naman talaga!

Excited na rin diumano si Seth sa mga gagawing nitong store visit para sa BNY nationwide kasama na ang pagpapalabas ng kanyang mga billboards at kung anu-ano pa.

Magaling pumili ng ambassador si Sir Mike ng BNY huh! Marunong at alam niya ang marketing mismo nito! 

Happy for Seth Fedelin na nagtuloy-tuloy lang naman ang showbiz career kahit pa nagka-pandemic! Proud of Seth dahil hindi rin nito pinabayaang lumaylay ang kanyang career ganoon din ang patuloy niyang pagtupad sa pangarap niya para sa kanyang pamilya.

Ayon kay Seth, tuloy lang ang buhay at naoakarami pa diumano nating aabangan sa kanyang career! Thankful naman ang sikat na binata sa mga taong simula palang hanggang ngayon ay nandiyan parin para sa kanya.

Mabuhay ang BNY at mas marami pang endorsements Seth!

No comments:

Post a Comment