KAHIT MAPUTI NA ANG BUHOK KO - THE MUSIC OF REY VALERA MOVIE NGAYONG APRIL 8 NA!

Last Saturday afternoon i attended the Media Conference and Movie Screening of the film ' Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko ' The Music Of Rey Valera Movie na ginanap sa Gateway Mall, Cubao, Quezon City.

Sa Media Conference, siksik sa tanong ang Entertainment Press sa buong cast ng film under the direction of Joven Tan na produced naman ng Saranggola Media Productions ni Edith R. Fider

Well-attended ang naturang event, delicious Chinese Food was served at mukhang masaya naman ang Press sa mga sagot sa kanila ng buong cast nito.

Sa Movie Screening namang naganap, ilang beses pinalakpakan ang film. May iyakan at tawanang eksena sa movie na pinagbibidahan ni RK Bagatsing who truly played his role sa rankong 8!

Maganda ang pagkakalatag ni Joven Tan sa istorya nito lalo na ang pagkakatagpi-tagpi ng bawat eksena dahil musical ito and Direk Joven nailed it!

The editing of the film, yung kulay ng pelikula at ang pagkakaganap ng mga artista at sabihin na nating mamahalin mo ang kuwento ng buhay ng isang sikat na singer / composer na si Rey Valera.

Dito ko lang din nalaman sa pelikulang ito na sa lahat-lahat ng mga nagsikatang komposisyon ni Rey Valera ay may kuwento pala ang bawat isa nito at kung paano niya ito nabuo!

Sikat o sumikat lahat ang kanta ni Rey Valera na magpahanggang ngayon ay patuloy pa rin nating pinapakinggan at niyayakap dahil iba ang kanyang mga nilikhang kanta na almost every singer of today ay gustong i-revive and some well-known singers also did their own versions of Rey Valera Songs! 

Galing ng movie! Highly recommended ito! Espesyal ang pelikulang ito! 

Inspiring ang pelikula! Inspiring because hindi rin pala naging madali ang naging kabataan ni Rey Valera sa buhay at ang kanyang buong pamilya hanggang sa pinagsikapan nitong makuha ang kanyang pangarap at magkakulay ito hanggang ngayon.

Kasama po sa mga pelikulang ibabandera ng MMFF Summer Edition ang pelikulang ito na mapapanood na natin sa mga sinehan simula ngayong April 8! 

Minsan lang ito! Tunghayan natin ang naging paglalakbay sa buhay at pangarap ng isang Rey Valera at kung paano niyakap ng buong mundo ang mga awiting nilikha ng isang Music Icon!

Maraming salamat sa imbitasyon Saranggola!

No comments:

Post a Comment