PAGKATAPOS BAKBAKAN SI LIZA NASAAN NA NGA BA SIYA?

Marami ang nabigla nung magdesisyon si Liza Soberano na tuluyan ng iwanan ang local showbizlandia. Ang alam ko ay mukhang nagpaalam naman si Liza ng maayos sa mga taong for 13 years ay nakadikit sa kanya at naging karamay niya upang makilala siya at sumikat nga siya bilang isang artista at endorser pa. 
Simulang sumikat din siya ay pretty sure naman akong nakapag-ipon siya at nakuha niya rin naman siguro ang mga gusto niya.
Hanggang sa mabalitang tututok na sa kanyang bagong karera pala sa ibang bansa si Liza at doon na nga nito gustong ituloy ang kung anumang nasa isip niyang mararamdaman niya ang fulfilment niya bilang isang celebrity.
Hanggang sa magi-isang buwan na ay pinagpiyestahan siya. Dahil lamamg sa mga binitiwang salita niya at lumalabas daw na napaka-ungrateful niya sa mga taong naging malaking barko sa buhay niya lalo na sa industriyang pinanggalingan niya.
Binatikos ang magandang si Liza. Pinagsabihan at pinayuhang huwag ganoon at kung anu-ano pa. Aping-api ang Liza at tila nababasa at nakakarating naman yata sa kanya ang lahat ng panggigiyera sa kanya.
Sabi ko pa sa isang post ko, kawawa naman si Liza. Tinanong ko rin kung nasaan na si Enrique Gil at kung anu-ano naman ang pinagkakaabalahan nito after what happened sa pagsasara nga ng ABS-CBN na sa totoo lang ay siyang dahilan ng kasikatan ng LizQuen huh! 
Pero sa totoo lang, tao lang din si Liza. Just like us. Tayo ay may mga nagawang mali sa ating buhay. Tayo ay may mga ginawang dahil s tawag ng pamgangailangan ay nakayanan nating gawin. May mga bagay-bagay din na ginagawa natin pero parang hindi tayo masaya at masaya lang yung ibang tao at wala tayong magawa kundi ang i-please natin sila. 
Marami ring sakripisyo si Liza. Marami rin siya sigurong gustong gawin noon pa na sa pagkakataong nakakuha siya ng puwang ay pilit niya ngayong inuumpisahang gawin.
Maaring mali siya sa mga sinabi niya, pero puwede siyang turuang ituwid ito sa tamang paraan at hindi naman siguro kailangang bakbakan dahil naging bahagi rin naman siya ng industriyang ito at marami rin naman sa atin ang inidolo siya at pinasaya tayo sa mga naging pelikula niya at palabas sa telebidyon. 
Sana lang, makita niya ang daang gusto niya sa desisyong ginusto niya! 


No comments:

Post a Comment