RICHARD YAP AT JODI STA. MARIA MAY HATAK PARIN BA SA KANILANG FANS AND FOLLOWERS?

Muling masisilayan ang tambalan nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap sa bagong project nito sa pinagsanib-puwersa ng ABS-CBN at GMA plus Viu with Gabbi Garcia at Joshua Garcia na nagkaroon ng taping abroad at dito rin sa Pinas!

Kasalukuyan din napapanood sa Kapamilya Channel ang first project nilang ' Be Careful With My Heart ' na tumagal ng halos 4 na taon sa ere ng Dos.

Nice move itong collaboration ng dalawang network for Jodi and Chard. Beautiful ang story ng project at marami ang umaasang tatabo ito ng magandang ratings.

Pero ang tanong ng karamihan, malakas parin ba ang tambalang JoChard? May chemistry parin daw ba ang dalawa? Nandiyan parin daw ba ang mga fans and followers ng dalawa na sumuporta sa kanila noon? 

What about Joshua Garcia and Gabbi Garcia? Gaano raw ba ka-lakas ang hatak nila para humatak ng ratings para sa naturang project? 

Well, let's see nalang kapag tumakbo na ang naturang proyekto sa ere saka natin hisgahan! Wish ko, sana nandiyan parin ang mga fans and followers unang-una nina Jodi at Chard na aalalay sa kanila sa bagong project nila! Goodluck!

No comments:

Post a Comment