SAPUL MOVIE NINA CHRISTINE BERMAS AT KIKO ESTRADA NGAYONG APRIL 21 NA SA VIVAMAX

Handa ka bang gawin ang lahat para sa sinumpaang tungkulin? Kahit pa madamay at masaktan pati ang mga taong malalapit sayo? 

 

Ngayong April, isang sexy-action drama na pinagbibidahan nina Christine Bermas Jeric Raval at Kiko Estrada ang mapapanood sa Vivamax. Kwento tungkol sa pagkakaibigan, pamilya, at pagiging tapat sa tungkulin. Panoorin ang Sapul, streaming exclusively sa Vivamax simula ngayong April 21, 2023. 


Ordinaryong araw lang sa trabaho ang inaasahan ni P03 Leandro Acuba (Jeric Raval), isang marangal at tapat na pulis na laging sumusunod sa batas. Pero ang akala niyang normal na araw ay magiging magulo at maaksyon pala dahil sa pagpunta at paghingi ng tulong ni P01 Isidro Ticzon (Kiko Estrada) sa mga kaibigan sa Police Station, isang pulis na matalik na kaibigan at parang kapatid na ang turing ni P03 Leandro. 


Nagkakaroon ng problema si P01 Isidro at ang asawang si Shiela (Christine Bermas) kaya humihingi siya ngayon ng payo kay P03 Leandro at sa kanilang Chief-of-Police. Pero nang biglang mag-amok si P01 Isidro at manghostage ng katrabahong babae, kakailanganing gumawa ni P03 Leandro ng desisyon kung magiging tapat ba siya sa tungkulin? O tutulungan ang kaibigan?. 


Paano mababago ng insidenteng ito ang relasyon nina P03 Leandro at P01 Isidro? Wala na bang pag-asang natitira para kay  P01 Isidro? O posible pa siyang makabangon muli sa tulong ni P03 Leandro? 


Ang Sapul ay Vivamax Original Movie mula sa direksyon ni Reynold Giba, na gumawa at sumulat na rin ng iba pang Vivamax Originals kagaya ng Bata Pa Si Sabel, Alapaap, Virgin Forest, Bahay Na Pula, at Sisid. Bibida sa Sapul ang Vivamax Star na si Christine Bermas, ang 90s action star na si Jeric Raval at ang  millennial heartthrob na si Kiko Estrada. Kasama rin sa pelikula sina Phoebe Walker, Ada Hermosa, Simon Ibarra, Chad Solano, Ina Alegre, at Suzette Ranillo. 


Abangan ang pelikulang siguradong aasinta at tatagos sa inyong puso. Mapapanood na ang Sapul sa Vivamax simula ngayong April 21, 2023. 

 

Mag-subscribe na sa Vivamax sa halagang P149 kada buwan, at P399 naman para sa tatlong buwan. Bisitahin ang web.vivamax.net o i-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store, Huawei App Gallery and App Store. 

Sa mga magbabayad sa website, maaring magbayad sa EC Pay, 7 Eleven, All Day, All Day, Pay Mongo, GrabPay, GCash, or PayMaya.  Para sa magbabayad gamit ang app, maaring pumili sa Globe, Smart, GCash, Paypal, Visa, or Mastercard.  Para naman sa magbabayad gamit ang Ecommerce, maaring magbayad gamit ang Lazada, Comworks, Clickstore, or Paymaya.  Maari ring magbayad mula sa mga authorized outlets, kagaya ng Load Manna, Comworks, Cebuana Lhuillier, Palawan Express, and Load Central.  Ang mga cable partners ng VivaMax ay  SkyCable, Cable Link, Wesfardell Connect, Fiber, BCTVI, Cebu Cable, Zenergy HD, Cotabato Cable Television Network Corporation, at Concepcion Pay TV Network, Inc.  

Mapapanood na rin ang Sapul sa Vivamax Middle East! Para sa mga kababayan natin sa UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar, Maa-access na ito sa halagang AED35 kada buwan. Mapapanood din ang Vivamax sa Europe sa halagang 8 GB kada buwan.   

Ang Vivamax ay mapapanood na rin sa Hong Kong, Japan, Malaysia, and Singapore, Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand, at pati na rin Canada at United States of America.  Vivamax, atin ‘to!

No comments:

Post a Comment