On location ako since day 1 ng movie at nakapinta sa utak ko ang bawat eksena ng pelikula. Una ay kakaibang Ai Ai Delas Alas ang mapapanood sa pelikulang ito. Kakaibang character ang kanyang ginagampanan na noong nabasa niya ang script ay kaagad niya itong nagustuhan at hindi na nagdalawang-isip na tanggapin.
Si Quinn, bilang baguhang aktres ay masasabi mong sinabayan niya rin si Ai Ai sa bawat eksena nila. Makikita mo rito ang kakaibang tranpormasyon ni Quinn bilang isang serious film ito at ikaka-proud mo siya.
Si Ara Mina naman is playing a very important role sa movie. Isang role na kaya tinanggap ni Ara ay nagandahan siya sa istorya nito at na-excite din na makatrabaho si Ai Ai at Quinn. Mababaw ang luha ni Ara kaya naman sa madamdaming eksena nila ni Ai Ai sa movie ay hindi rin siya nagkakabog.
Kaaliw din ang role ni Liza Lorena sa film. Isang sosyalerang nasa house of the elderly na makakabangga ni Ai Ai dahil mas maldita s kanya si Ai Ai sa film. Basta. Kaaliw siya sa film.
Si Bodjie Pascua naman, naku, the best! Maaaliw karin sa role niya sa pelikula lalo na ang tandem nila ni Ai Ai na magbibigay kilig at katatawanan sa bawat eksena nila.
Feeling ko lang, Litrato is a family drama movie that will touch your heart every scene of it! Papanindigan ko yan at nangangamoy acting award ang pelikulang ito.
Ngayong friday, February 3 ay biyaheng Lucena kami sa Dinalupihan Port para sa pagpapatuloy ng shooting ng aabangang movie ngaying taon ni Louie Ignacio.
No comments:
Post a Comment