VIVAMAX ORIGINAL MOVIE
STARRING: CHRISTINE BERMAS, SID LUCERO, MARK ANTHONY FERNANDEZ, ARRON VILLAFLOR, FELIX ROCO, CHLOE JENNA, ALEXA OCAMPO, ALI KHATIBI
DIRECTOR: LAW FAJARDO
Ang magpakasaya sa alak at magpakalasing sa tuwa kasama ang mga kaibigan ay ilan sa mga bagay na hindi natin basta-basta nakakalimutan. Mga pagkakataon na nakakabuhay ng dugo at hinahayaan tayong makalimot sa lahat ng problema, sa lahat ng dapat isipin. Pero minsan ang mga pagkakataong ding ito ang nagdadala sa ‘tin sa mga desisyong hindi pinagiisipan at pwede pang magdala sa'tin sa kapahamakan.
Ngayong bagong taon, may bago ring ihinanda ang Vivamax para sa mga subscribers. Mapapanood na ang Night Bird, isang sexy-thriller Vivamax Original Movie, streaming na ngayong January 13, 2022.
Kwento ito ni Rachel (Christine Bermas) na isang gabi ay nagpunta sa bar para makipagsaya at mag-unwind kasama ang mga kaibigan. Dito makikilala nila ang apat na misteryoso pero mga gwapong kalalakihan (Sid Lucero, Mark Anthony Fernandez, Arron Villaflor, Felix Roco), magsasama-sama sila sa pagpa-party para sa isang gabing hindi malilimutan.
Pero ang party na dapat ay puno lang ng alak at kasiyahan ay mauuwi sa isang ‘di magandang bagay dahil pagsasamantalahan ng apat na kalalakihang nakilala nila sina Rachel at ang mga kaibigan nito.
Iisa lang ang nasa isip ni Rachel - gusto niyang maghiganti. Kakailanganin niya ang kanyang husay at talino sa pakikipaglaban na tinuro sa kanya ng kanyang ama.
Ang Night Bird ay pelikula ni Law Fajardo na pinagbibidahan ng Vivamax star at Scorpio Nights 3 actress na si Christine Bermas. Makakasama niya sa pelikula ang ilang sa mga award-winning at talented hunk actors ng iba’t ibang henerasyon, sina Sid Lucero, Mark Anthony Fernandez, Arron Villaflor, at Felix Roco.
Keep your friends close, and your enemies closer. Maniningil na at maghihiganti, panoorin na ang Night Bird, streaming exclusively sa Vivamax simula ngayong January 13, 2022.
Mag-subscribe na sa Vivamax sa halagang P149 kada buwan, at P399 naman para sa tatlong buwan. Bisitahin ang web.vivamax.net o i-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store, Huawei App Gallery and App Store.
Sa mga magbabayad sa website, maaring magbayad sa EC Pay, 7 Eleven, All Day, All Day, Pay Mongo, GrabPay, GCash, or PayMaya. Para sa magbabayad gamit ang app, maaring pumili sa Globe, Smart, GCash, Paypal, Visa, or Mastercard. Para naman sa magbabayad gamit ang Ecommerce, maaring magbayad gamit ang Lazada, Comworks, Clickstore, or Paymaya. Maari ring magbayad mula sa mga authorized outlets, kagaya ng Load Manna, Comworks, Cebuana Lhuillier, Palawan Express, and Load Central. Ang mga cable partners ng VivaMax ay SkyCable, Cable Link, Wesfardell Connect, Fiber, BCTVI, Cebu Cable, Zenergy HD, Cotabato Cable Television Network Corporation, at Concepcion Pay TV Network, Inc.
Mapapanood na rin ang Nightbird sa Vivamax Middle East! Para sa mga kababayan natin sa UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar, Maa-access na ito sa halagang AED35 kada buwan. Mapapanood din ang Vivamax sa Europe sa halagang 8 GB kada buwan.
Ang Vivamax ay mapapanood na rin sa Hong Kong, Japan, Malaysia, and Singapore, Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand, at pati na rin Canada at United States of America. Vivamax, atin ‘to!