JOED SERRANO INAMING ALMOST 15% UNSOLD TICKETS NALANG PARA SA IAM TONI CONCERT NGAYONG JANUARY 20 SA ARANETA

Naging matunog kamakailan lang ang diumao ay mabagal na pag-usad sa sales ng inaabangang big concert ni Toni Gonzaga-Soriano. Kasama na dito ay ang diumano ay pagbili ng magulang ni Toni ng almost 500 tickets para sa concert na binigyang kulay at isyu ng ilang kasamahan sa panulat at ginawang big deal na sa totoo lang ay hindi naman dapat. Maraming haka-haka patungkol sa tanong kung mapupuno nga ba ni Toni this time ang Araneta at hinahanap pa ng iba ang diumano ay mga taga-suporta this time ni Toni. 

Actually, kung anu-ano nalang ang ibinabato kay Toni na pati ang latest movie nitong The Teacher na kasama sa katatapos lang na Metro Manila Film Festival na hindi raw kumita sa takilya at kung anu-ano pa.

Just today ay nagbigay naman ng kanyang official statement si Joed Serrano ng GodFather Productions bilang producer ng nalalapit na concert ni Toni. 

" As of January 13 friday at 4:45pm, The  I Am Toni  concert @ the smart araneta coliseum on Jan 20, 2023 has already sold 55% of the tickets. 20% goes to the sponsors who pledged their support for their endorser toni gonzaga. " paglalahaf pa ni Joed.

" Mommy Pinti ordered & paid 350 tickets for her mga friends, relatives at mga ka church mate na sa kanya umorder. Me as one of the producers also reserved some 300 tickets for my friends who ordered from me instead of going to ticketnet. These tickets are paid. Wala ng libre sa panahon ngayon except pag kapamilya mo ang manonood. Iba ang concert sa pulitika at pelikula." Aniya.

" As of this date, we still have 15% tickets unsold. You can still buy your tickets & get a chance to watch this very controversial concert. Its a celebration of 20 years in showbusiness & the birthday of our dearest Toni Gonzaga. Let us all unite & be positive in life. Move on & be kind to all. Let us all give ourselves a chance to be good in this world. Smile, wag nega sa buhay. Kung wala kang sasabihing di maganda sa kapwa mo , then might as well be quiet kesa magkasala ka pa at mastress. See you all on Jan. 20, 2023 friday 8pm at the araneta coliseum. " naging pahayag pa ni Joed.

Ayan na! Para matahimik na ang matatabil na dila ng mga intrigera! Congrats IAM TONI! 

No comments:

Post a Comment