SI CHRISTINE BERMAS NA BIDA SA SCORPIO NIGHTS 3 NA BA ANG BAGONG PANTASYA NG KALALAKIHAN?

Sa pag-usbong ng pangalang Christine Bermas, sigurado akong marami ang kanyang patataobing kapwa sexy star sa bakuran ng Viva. Fresh, young, morena, sexy at magaling umarte, sa totoo lang. 

Sa pagkakapisil sa kanyang gumanap bilang si Pinay sa ikatlong remake ng Scorpio Nights ay tila lalagpasan nito ang mga ginawa nina Ana Marie Gutierrez at Joyce Jimenez. 

Matitinding eksena ang ginawa ni Christine sa Scorpio Nights 3 na idinerehe ni Lawrence Fajardo na mapapanood na ngayong July 29 sa Vivamax. Nandiyan ang blowjob scene, finger scene using a dildo, laplapang umaatikabo at ang inaabangang frontal scene niya sa pelikula kung meron man huh! Diko sure!

Sa katatapos lang na face to face solo presscon ni Christine, inamin nitong pagdating sa usaping kabogan ay hindi ito isyu sa kanya. Nandito diumano siya para gawin lang ang kanyang trabaho bilang bida sa pelikula at kaya niya ginagalingan dahil ayaw niya rin diumanong mapahiya sa mga taong nagbigay ng tiwala sa kanyang kakayahan. Wala diumano sa isip niya ang makipag-kumpetensiya.

Sa usaping big break itong Scorpio Nights 3 sa kanyang showbiz career ay naging deretsahan si Christine sa pagsasabing ito na nga ang biggest break so far sa kanyang karera. Inamin nitong medyo malalim at sensitibo ang hininging papel niya sa movie pero ginampanan niya naman daw ng mabuti ang kanyang role. Ginawa niya diumano ang lahat maibigay lang ang hinihingi sa script.

Masaya diumano si Christine sa mga naging projects niya sa Vivamax. Kaya naman she's willing to go far pa sa kanyang career. Inspirasyon niya diumano ang mga papuring kanyang natatanggap everytime na may ginagawa siyang movie.

Malayo na nga ang narating ni Christine Bermas. Mula sa pagsasayaw sa entablado bilang dating miyembro ng grupong Belladonnas ay kitang-kita naman ngayon ang paghataw ng kanyang showbiz career na kahit siya raw mismo ay hindi nag-akalang sisikat siya bilang isang artista.

Basta ang alam ko ay siya na ngayon ang bagong pantasya ng kalalakihan! Naku! Ayoko na ikuwento kung bakit siya nagsisikap ngayon at baka maiyak na naman tayo! 

Sana, magtuloy-tuloy ang magagandang projects for Christine sa pangangalaga ng Viva. 


No comments:

Post a Comment