CLOE BARRETO KAABANG-ABANG ANG KAHUSAYAN BILANG SEKSING AKTRES SA PELIKULANG TAHAN NI BOBBY BONIFACIO JR.

Sa ngayon palang ay pinag-uusapan na ang pelikulang TAHAN na pinagbibidahan ni Cloe Barreto mula sa script ni Quinn Carrillo at direksyon ni Bobby Bonifacio Jr. kasama sina Jaclyn Jose at JC Santos. Sa trailer palang ng movie, marami na kaagad ang naaliw sa linyahan nina Jaclyn at Cloe. Isama mo pa ang mapangahas na mga naglalagablab na eksena ni Cloe kasama sina JC, Karl Medina at Jet Delgado. 

Talagang ayaw na paawat ni Cloe kung acting ang pag-uusapan. Seksi man ang tema ng pelikula, bubusugin ka parin ni Cloe sa kanyang ipapakitang galing at husay sa pag-arte. 

Ibang level na naman ito sa karera ni Cloe pagkatapos niya noong magpakitang gilas sa pag-arte sa pelikulang SILAB with Chanda Romero, Lotlot De Leon at Jason Abalos.

Palaban si Cloe. Hindi ka uurungan ng mahusay na baguhang sexy actress. Hindi siya nagpapalamon at sasabayan ka niya sa aktingan!

Lahat ng nga beteranang aktor at aktres na nakasama na ni Cloe ay mga pangarap niyang maka-eksena sa pelikula. Tama lang dahil dito sa paraang ito ay aminado siyang napakarami niyang natutunan at nakakahugot siya ng ideya mula sa mga ito.

Sa totoo lang, marami siyang kasabayang puro lang paghuhubad ang alam. Pero si Cloe, ilalaban ko ang kanyang husay bilang isang baguhang seksing aktres ngayon sa showbizlandia! 

No comments:

Post a Comment