CHRISTINE BERMAS LALONG AABANGAN SA SCORPIO NIGHTS 3 NGAYONG JULY 29 NA SA VIVAMAX

Isang kaakit-akit na dalaga ang pupuno sa pantasya ng isang binata. Muli nating matutunghayan ang pinakasikat na erotic franchise. Mapapanood na ang Peque Gallaga’s Scorpio Nights 3 sa Vivamax ngayong July 29, 2022.

 

Isang Vivamax Original Movie, ang Scorpio Nights 3 ay isang erotic-thriller film na tungkol kay Matt, engineering student na nakatira sa isang lumang apartment building. Sa baba ng kanyang unit nakatira ang bagong lipat na maglive-in partner na si Pinay (Christine Bermas), isang cam girl, at Drake (Mark Anthony Fernandez) na Fiscal bodyguard.  

 

May lihim na pagnanasa si Matt kay Pinay at palagi nitong sinisilipan ang dalaga mula sa butas ng kaniyang sahig tuwing magkikipagsex si Pinay kay Drake o kapag nang-aakit si Pinay ng mga kliyente online. Hindi alam ni Matt na alam ni Pinay ang ginagawa niyang pamboboso at sinasadya rin nitong akitin ang binata. May mamagitan sa kanilang dalawa, at mag-iingat  na hindi mahuli ng dominante at bayolenteng boyfriend ni Pinay na si Drake.

 

Ang Peque Gallaga’s Scorpio Nights 3 ay hango sa 1985 movie na may parehas ding title na pinagbibidahan ni Daniel Fernando at Anna Marie Gutierrez at mula sa direksyon ng legendary Filipino director na si Peque Gallaga. Nagkaroon din ng sequel ang pelikula noong 1999 na pinagbidahan naman nina Joyce Jimenez at Albert Martinez.

 

Ang bida na si Christine Bermas ay excited at pressured sa pagiging leading star ng pelikula dahil alam niyang malaking papel ang gagampanan niya sa moder retelling ng  Scorpio Nights. “Ang laking pressure nang nafi-feel ko noong una pa lang na sinabi sa akin na ako ang gaganap. Natuwa po ako at the same time 'yung kaba na-feel ko,” sabi ni Christine mula sa isang interview noong April. Bumida na rin si Christine sa iba pang Vivamax Origninals kagaya ng Siklo at Island of Desire. Makakasama niya rin sa pelikula bilang mga leading men sina Mark Anthony Fernandez at ang up-and-coming Vivamax actor na si Gold Aceron. (interview source: https://www.philstar.com/entertainment/2022/04/27/2177157/christine-bermas-replaces-aj-raval-scorpio-nights-remake/amp/

 

Mula sa Viva Films at multi-awarded director na si Lawrence Fajardo, na naghatid na ng iba’t ibang   tumatak at pinagusapang Vivamax Originals kagaya ng X-Deal 2, Reroute, Mahjong Nights at Nerisa.

 

Tignan ng maigi ang mga butas, baka may nagmamasid, baka may sumisilip. Mapapanood na ang Peque Gallaga’s Scorpio Nights 3 sa Vivamax simula ngayong July 29, 2022.

 

Mag-subscribe na sa Vivamax sa halagang P149 kada buwan, at P399 naman para sa tatlong buwan. Bisitahin ang web.vivamax.net o i-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store, Huawei App Gallery and App Store. 

 

Sa mga magbabayad sa website, maaring magbayad sa EC Pay, 7 Eleven, All Day, All Day, Pay Mongo, GrabPay, GCash, or PayMaya.  Para sa magbabayad gamit ang app, maaring pumili sa Globe, Smart, GCash, Paypal, Visa, or Mastercard. 

Para naman sa magbabayad gamit ang  Ecommerce, maaring magbayad gamit ang Lazada, Comworks, Clickstore, or Paymaya.  Maari ring magbayad mula sa mga authorized outlets, kagaya ng Load Manna, Comworks, Cebuana Lhuillier, Palawan Express, and Load Central.  Ang mga cable partners ng VivaMax ay  SkyCable, Cable Link, Wesfardell Connect, Fiber, BCTVI, Cebu Cable, Zenergy HD, Cotabato Cable Television Network Corporation, at Concepcion Pay TV Network, Inc.  

Mapapanood na rin ang Peque Gallaga’s Scorpio Nights 3 sa Vivamax Middle East! Para sa mga kababayan natin sa UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar, Maa-access na ito sa halagang AED35 kada buwan. Mapapanood din ang Vivamax sa Europe sa halagang 8 GB kada buwan.   


Ang Vivamax ay mapapanood na rin sa Hong Kong, Japan, Malaysia, and Singapore, Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand, at pati na rin Canada at United States of America.  Vivamax, atin ‘to!

No comments:

Post a Comment