Inumpisahan ito ng opening prayer at pagkanta ng ating National Anthem. Isang mainit na welcome remarks naman ang sumalubong sa atin mula sa mga ABAA Directors kasabay ng pagkukuwento nila kung paano nabuo ang ABAA.
Sa kanilang kuwento ay nabatid naming napakaganda ng layunin o vision/ mission nito para sa mga talento ng Binangonan na hindi lang sa musika tututok kundi sa lahat ng saklaw ng sining sa Binangonan.
Ayon pa kay Russel Ynares, tututukan niya itong ABAA na ito upang lalo pang makilala ang mga natatanging talentong meron sa Binangonan kaya raw that same day sa gabi ay inumpisahan na rin ang pagpapasiklab ng ABAA sa pamamagitan ng gagawin nilang festival na iikot hindi lang sa buong Rizal kundi sa buong Metro Manila Cities.
Ayon kay Russel, All Binangonan Artists Association as a group embodyibg the rich, colorful and historic culture of the town of Binangonan bilang vision at to promote and highlight the brilliance of local artists to bring pride and honor to the people and town of Binangonan naman ang kanilang mission.
Nasa presidential table that afternoon kasama ni Russel Ynares sina Mr. Koy Quevedo bilang co-founder, Mr. Raf Suba na isang artist. Mr. Rap Dazo representing Hiphop. Mr. Choi-Beats Quatro representing Music. Hon. Konsehal Rey Punelas para sa Arts kasama si Mr. Nani De Leon Reyes.