KAABANG-ABANG KUNG SINONG MALE ACTOR ANG GAGANAP BILANG REY VALERA

Nitong araw ng Martes, May 31, 2022 ay naganap sa isang function hall ng Stonehouse sa E. Rodriguez Avenue, Quezon City ang isang buong araw ng audition para sa mga lalakeng edad 8 years old hanggang 28 years old na marunong umarte at marunong o magaling kantahin ang mga awiting itinanim sa ating puso ni Rey Valera na isang icon sa music industry. 

Ang pa-audition ay ipinatawag mismo ng Saranggola Productions ni Edith Fider para sa pagsasapelikula ng buhay ni Rey Valera na ididerehe naman ng kilalang music composer, movie director at hitmaker na si Direk Joven Tan. 

Almost 50 talented male aspirants ang nag-audition kanina at ang ilan ay mga bihasa na rin sa teatro, musika at pag-arte sa harap ng kamera. May mga first time lang din at may iba namang gusto lang subukan ang maaring pagkakataong maibigay sa kanila.

Wala pa akong ideya kung sino talaga ang gaganap na main lead actor para sa The Rey Valera Story na naka-tentative title pa. Pero sinisiguro ng Saranggola at ni Direk Joven Tan na ikakagulat ng madlang pipol kung sino ito na sa ngayon palang daw ay may nakikita na sila o may pipiliin ng isang sikat na male singer na sikat sa mundo ng pelikula at telebisyon. 

Kung sino man yun, ayon kay Direk Joven Tan at Edith Fider ay kaabang-abang ito!



No comments:

Post a Comment