Naging abala nga si Karla sa kampanya mula Luzon, Visayas at Mindanao. Nakita namin ang kanyang sipag para sa kanyang ipinaglabang partylist sa line-up ng BBM-SD Unity Team.
Hanggang sa lumabas ang resulta ng katatapos lang na eleksiyon. Pasok si Yda Romualdez sa kongreso bilang 1st nominee na sa kabuuang bilang ay pumangatlo ang Tingog partylist sa nanalo.
Hindi naman pinalad si Karla na makapasok dahil may batayan ang pursiyento kada-nominado. Hindi raw naabot ng percentage ang botong nakuha ni Karla kaya hindi siya nakapasok.
Sa isang text message, hindi man daw nakapasok sa kongreso ay masaya parin at hindi naman daw nalungkot si Karla dahil ayon sa kanya ay mas marami pang parating na mga bagay-bagay sa parating na araw, ayon kay Karla.
Nagpapahinga lang din daw si Karla sa ngayon. Hindi na namin naitanong kung makakabalik pa siya bilang host ng Magandang Buhay.
Well, ganoon talaga! Goodluck sa mga future projects mo QM ganoon narin kay Daniel Padilla.
No comments:
Post a Comment