NET25 ASPN Primetime hosts Ali Sotto at Pat-P Daza, patuloy sa pagkilatis ng mga kandidato sa Mata ng Halalan 2022
Tuluy-tuloy ang pakikipanayam ng beteranang broadcasters at ASPN Primetime hosts na sina Ali Sotto at Pat-P Daza sa mga kandidato sa darating na halalan.
Sa linggong ito, kikilalanin nina Ali at Pat-P ang anim pang senatoriables at ang Pacquiao-Atienza tandem bilang parte pa rin ng special election series na Mata ng Halalan 2022 ng NET 25.
Huwag palampasin ang pagsalang sa ASPN Primetime nina Sen. Risa Hontiveros at dating Spokesperson Harry Roque Jr. (Lunes, Jan. 31); dating Bayan Muna Rep. Neri Colmenares at peace advocate Robin Padilla; human rights lawyer Chel Diokno at dating Presidential Anti-Corruption Commission chair Greco Belgica; at Sen. Manny Pacquiao at House Deputy Speaker Lito Atienza.
Liban sa masusing pagsusuri ng mga nagawa at gagawin pa ng mga nasabing kandidato kapag nahalal, malalaman din ang mga pinagkakaabalahan nila sa labas ng pulitika sa ASPN Primetime.
Sa pilot week ng programa, walong Senatorial aspirants na ang nakapanayam nina Ali at Pat-P. Sila ay sina Rep. Rodante Marcoleta at dating Sen. Joseph Victor “JV” Ejercito (Jan. 24); Sen. Sherwin Gatchalian at Dr. Ma. Dominga “Minguita” Padilla; Sen. Joel Villanueva at dating Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo; at Marawi civic leader Samira Gutoc at House Deputy Speaker Loren Legarda.
Matututukan ang ASPN Primetime simula 8:00 p.m., Lunes hanggang Huwebes, sa terrestrial TV (Channel 25), Sky Cable (Channel 18), Home Cable (Channel 18) at Global Destiny (Channel 19). Masusubaybayan at mababalikan din ang mga naunang episode sa opisyal na social media accounts ng NET 25, partikular na sa Facebook at YouTube.
No comments:
Post a Comment