INSPIRING ANG 40 DAYS MOVIE NI POLA MAYOR INA ALEGRE

Sa imbitasyon ni Pola, Oriental Mindoro Mayor Ina Alegre o Jennifer Cruz ay nagkaroon ako ng pagkakataong masilayan ang ganda ng simpleng munisipyo ng Pola at masaksihan ang premiere night ng pelikulang 40 Days ni Direk Neil Buboy Tan na pinagbibidahan ni Mayor Ina, James Blanco, Mygz Molino at Cataleya Surio. 

Ginanap ito sa municipal gymnasium ng Pola kung saan buong residente na yata ng Pola ang nakiisa sa panonood kasama ang mga ilang politicians na kakampi man o hindi ni Mayor Ina like Ejay Falcon na ilang taong hindi namin nakasalamuha na ang rason ay kinakamada na pala ang kanyang pagtakbo bilang Vice-Governor sa lalawigan ng Oriental Mondoro.

Beautiful ang story ng 40 Days in all fairness. Meaning, maganda ang script na bitbit ang nakakaantig na kuwento ng pagmamahal sa pamilya at nakakapanindig balahibong paglalakbay para lang muling makapiling ang mga mahal sa buhay. 

It's all about courage in life and love na sa bawat eksena ay paluluhain ka ng pelikula. Napapanahon ito because patungkol sa experience ng isang anak at ina ang ipapakita rito. Ang kanyang sakripisyo at pangarap na dahil sa pandemic ay ginawa niya ang lahat para lang makauwi sa kanyang probinsya.

Obviously, 40 Days siyang naglakad mula Manila hanggang Mindoro dahil nawalan siya ng trabaho at inabutan ng lockdown. Simple lang ang istorya pero yung bawat hakbang ni Ina Alegre sa pelikula ay ramdam mo ang hirap at pagod sa kanyang mukha.

Ina Alegre was so good in this film. She acted well. Natural ang pagkakaganap niya at mapapaluha ka. Sabi pa ni Mayor Ina, siya mismo, habang pinapanood niya ang pelikula ay hindi naiwasang mapaluha kahit kami that night.

Isang advocacy film ito according to Mayor Ina at kaya pala doon mismo sa Pola naganap ang movie premiere dahil gusto niyang makilala ang munting munisipyo ng Pola sa mundo ng showbiz dahil taga-roon siya. 

Dalawa na sila actually ni Ejay Falcon na taga-Pola na parehong nasa mundo na rin ng politics at proud silang pareho. 

During the said movie premiere ay kitang-kita rin naming pinagkaguluhan si Mygz Molino na isa rin sa mga bida ng pelikula. Maganda rin ang naging role nina Michelle Vito, James Blanco at Cataleya Surio.

Abangan nalang natin kung saan ipapalabas na digital platform ang pelikula. Balak din daw itong isali nina Mayor Ina at Direk Buboy Tan sa ilang international film festival. Bongga! 

No comments:

Post a Comment