WILBERT ROSS NO TO FRONTAL NUDITY PERO MAY BUTT EXPOSURE SA BOY BASTOS MOVIE NIYA

Nung mabalitaan kong pumirma na sa bakuran ng Viva si Wilbert Ross ay nasabi kong magsa-shine na siya bilang isang aktor kapag nabigyan ng isang magandang break sa pelikula. At last December nga ay nailunsad siya sa pelikulang Ang Crush Kong Curly kung saan pa-sweet pa ang kanyang imahe bilang isang baguhang aktor sa nasabing pelikula ng Vivamax. Hanggang sa nitong January ay tuluyan na nga'ng ipapalabas ang pinagbibidahan nitong pelikula. Ang Boy Bastos kasama si Rose Van Ginkel mula sa direksyon ni Victor Villanueva.

Hindi ako nakapagtanong during our virtual mediacon today kaya minabuti kong mag-message kay Wilbert thru his instagram account at kaagad namang sumagot ang newbie actor ng Viva.

Sa aming conversation ay kinamusta ko ang papasikat ng aktor at wala ng makakapigil pa!

" Okey lang ako Tito Doms. Sobrang masaya lang ako sa nangyayari ngayon sa acting career ko. Dalawang pelikula na nagawa ko sa Viva at sana magtuloy-tuloy na ito at mas maraming projects pa ang magawa ko. " bulalas pa nitong tugon sa akin.

Balita ko kasi ay magpipiyesta ang lahat ng nagpapantasya sa kanya sa pelikulang ito. Bakit? Ano bang pinakita niya sa movie?

" Marami Tito Doms. Basta. Panoorin nila ang movie dahil ginawa ko napo ang pagpapakita ng puwet ko. Puwet lang naman. Ginawa ko siya sa mga bed scenes namin at kung saan-saan pa. " bungisngis pa nitong tugon sa akin.

Sabi ko, baka kasunod niyan ay hindi na lang puwet ang gagawin ni Wilbert kundi aabangan na natin ang gagawin niyang frontal nudity?

" Hindeeeeee! Ha! Ha! Ha! Hindi ko kaya Tito Doms! " bulalas pa ni Wilbert.

Bakit nga ba siya napapayag magpakita ng puwet sa pelikulang ito?

" Grabe to! Proud na proud po ako sa project kong ito. Sa totoo lang. Kaya ako napapayag na maghubad at ipakita ang puwet ko kasi napakaganda po ng story at script nitong movie. At saludo po ako kay Direk Victor. Magaling po. " aniyang kuwento pa sa akin.

Inamin din ni Wilbert na kahit papano ay kinakabahan pa rin siya nung gawin na niya ang maseselang eksena niya sa pelikula pero ipinagdiinan nitong mahal niya ang proyektong ito kaya niyakap niya ng walang duda!

So! Save the date mga bakla! Abangan natin ang mahamis na wetpak ni Wilbert sa February 18 na sa Vivamax!

No comments:

Post a Comment