SILIP SA APOY NI ANGELI KHANG NOW STREAMING SA VIVAMAX

Magmistulang gamu-gamong naaakit sa apoy at sumilip na sa mapang-akit na mundo ng Silip sa Apoy, palabas na sa Vivamax ngayong January 28. 

Unang buwan pa lang ng taon pero may dala nanaman ang Vivamax na isang kontrobersyal na Vivamax Original Movie, ang Silip sa Apoy, isang erotic-drama na pinagbibidahan ng Vivamax K-Crush na si Angeli Khang. Kwento ito ni Emma (Angeli Khang), isang babae na pagod ng pakisamahan ang lasinggero nitong asawa na si Ben (Sid Lucero), dahil nagiging baloyente ito tuwing makakainom. Isang lalaki na magbabago ng lahat, si Alfred, isang kapitbahay sa tabi nila Emma na sumisilip sa mga butas ng pader at makakakita ng pang-aabuso ni Ben kay Emma.  

Maging malapit ang loob ni Alfred at Emma sa isa’t-isa at magkakaroon ng sikretong relasyon, ipapangako rin ni Alfred na itatakas niya si Emma para tuluyan ng malayuan ang kalupitan ni Ben.  Isang pangako na magbibigay kay Emma ng pag-asa na sa wakas ay makamit ang kalayaang matagal na niyang inaasam. 

Mula sa mga successful  Vivamax Originals niya noong 2021 (Taya, Mahjong Nights, Eva), ang K-Krush na si Angeli Khang ay muli na namang papainitin ni Angeli Khang ang ating 2022 gamit ang kanyang maamomg mukha, magandang hubog ng katawan at palaban na acting.

Mula sa Viva Films, ang pelikulang ito ay mula sa dalawang pinaka respetado at kilalang manunulat at direktor ng bansa. Ang Silip sa Apoy ay mula sa direksyon ng FAMAS nominee na si McArthur C. Alejandre, na naghatid ng iba’t-ibang pelikulang Pilipino tulad ng In Your Eyes at ang 2021 movie na My Husband, My Lover. Ang pelikulang ito ay sinulat rin ng award-winning writer na si Ricky Lee. 

Sumilip na at maakit sa mapusok at kapanapanabik na kwento ng Silip sa Apoy, mapapanood na sa Vivamax simula ngayong January 28.  

Mag-subscribe na sa Vivamax sa halagang P149 kada buwan, at P399 naman para sa tatlong buwan. Bisitahin ang web.vivamax.net o i-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store, Huawei App Gallery and App Store. 

Para sa mga magbabayad sa website, maaring magbayad sa EC Pay, 7 Eleven, All Day, All Day, Pay Mongo, GrabPay, GCash, or PayMaya.  Para sa magbabayad naman gamit ang app, maaring pumili sa Globe, Smart, GCash, Paypal, Visa, or Mastercard.  Para naman sa magbabayad gamit ang  Ecommerce, maaring magbayad gamit ang Lazada, Shopee, Comworks, Clickstore, or Paymaya.  Maari ring magbayad mula sa mga authorized outlets, kagaya ng Load Manna, Comworks, Cebuana Lhuillier, Palawan Express, and Load Central.  Ang mga cable partners ng VivaMax ay  SkyCable, Cable Link, Wesfardell Connect, Fiber, BCTVI, Cebu Cable, Zenergy HD, Cotabato Cable Television Network Corporation, at Concepcion Pay TV Network, Inc.  

Mapapanood rin ang Silip sa Apoy sa Vivamax Middle East! Para sa mga kababayan sa UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar, mapapanood na ito sa halagang AED35 kada buwan. Mapapanood din ang Vivamax sa Europe sa halagang 8 GB kada buwan.   

Ang Vivamax ay mapapanood na sa Hong Kong, Japan, Malaysia, and Singapore, Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand, at pati na rin Canada at United States of America.  Vivamax, atin ‘to!

1 comment:

  1. How to Make Titanium Trim Hints from the Tithi-Titanium
    Tathi-Titanium Hints with used ford edge titanium Tithi-Titanium Hints with Tithi-Titanium columbia titanium boots Hints With Tithi-Titanium titanium ring Hints With Tithi-Titanium titanium properties Hints With Tithi-Titanium titanium welding Hints With Tithi-Titanium Hints

    ReplyDelete