Hanggang nitong nakaraang araw lang ay nakita ko ang isang detalyadong facebook post ni Nanay Jobert Sucaldito involving Herbert Bautista and Senate President Tito Sotto. Nagulat ako personally sa cold war ng dalawa dahil sa pagkakaalam ko ay magkakampi sila dahil sa pagkakaalam ko rin ay magka-partido sila sa NPC na pinamumunuan ni Senator Tito Sotto. I have to quote Nanay Jobert Sucaldito using his original post sa facebook na ikinagulat ko.
" Nagulat ako sa napag-alaman ko about my kumpareng dating Quezon City mayor Herbert "Bistek" Bautista who's running for the Senate this 2022 election. I spoke to a very reliable source who said na patuloy na inu-offend ni Bistek si Senate President Tito Sotto 111 at ang pinamumunuan nitong Nationalist Peoples Coaliton (NPC) kung saan isa si Bistek sa senatorial candidates nila along with Loren Legarda, JV Ejercito, Chiz Escudero and Sherwin Gatchalian. Sila ang nasa magic senatorial slate ng Sen. Ping Lacson-Sen. Tito Sotto ticket. Tanging sina Bistek and Sherwin ang parang namamangka sa 2 ilog dahil kahit members sila ng NPC ay patuloy pa rin silang nakikisiksik sa kampo ni Sara Duterte. There were talks kasi before na nililigawan ni Sen. Sherwin si Inday Sara na kunin siyang running-mate nito nung time na tinutulak pa si Inday Sara to run for president. Kaya madalas tumutungo si Sherwin sa Davao before. Kung natuloy pala iyon, direktang makakalaban ni Sherwin ang chairman ng NPC na si SP Tito Sotto for VP. How unethical, di ba? Ang mas nakakaloka ay ang eksena ni Herbert Bautista. Since wala itong party, he sought for Sen. Sotto's endorsement para tumakbo under NPC nung 2020 at buong-puso naman siyang tinanggap ng said political party despite 3 graft cases and 3 other cases filed against him. Huh? Si Bistek may pending cases? Nagulat ako kasi all the while I thought that he was "politically-clean". Nag-fact check ako and whoa! Totoo ngang kinasuhan si Bistek ng 3 graft cases - 1) P27.62 million-deal with Cygnet Energy and Power Asia Inc. for the installation of the solar panel system and waterproofing of the city hall's rooftop, 2) CCTV cameras were allegedly distributed in QC barangays but some did not receive them and 3) a plunder complaint (RA 1080) for illegally disbursing P263M. Meron din itong ibang kaso -a VACC complaint over illegal drugs -the VACC accused the Bautista brothers (Coun. Hero Bautista) of dishonesty, neglect of duty, misconduct and conduct prejudicial to the best interest of service (EO 292), grave misconduct and violating the Dangerous Drugs Act of 2002. Meron ding kaso on ROBBERY for P1.2M printing equipment. Nakakagulat pero totoo nga. Bigla akong nakaramdam ng disappointment when I learned about this. Akala ko talaga bongga si Bistek - I mean, malinis ang pangalan. Nakakapanlumo, di ba? Well, that's politics. Anyway, ayon sa aking source, masyado na raw nababastos ang NPC at party chairman nitong si SP Tito Sotto sa maling galaw ni Bistek na nakikisiksik pilit sa kampo ni Sara Duterte na alam naman niyang kalaban ng NPC. Never daw dumalo si Bistek sa mga virtual meetings ng NPC pero visible siya sa ilang activities ni Inday Sara. Simple lang naman ang dapat gawin ni Bistek eh - mag-resign siya sa NPC at magpa-adopt sa party ni Inday Sara. Edukado ka naman Bistek para hindi mo magawa ang tama. Hirap talaga pag disloyal ang isang tao - how can we trust you Bistek kung disloyal ka sa mismong partido mo? Nakikisayaw ka lang ba kung saan malakas ang tugtog? Lumaban ka naman ng disente, pare. Politics lang iyan. Hay buhay - makikita mo talaga ang kulay ng isang taong may pagkatuso sa iba't ibang paraan at anyo. Hope that Bistek redeems himself very soon. Good luck na lang." ang mahabang salita ni Nanay Jobert Sucaldito.
Saganang akin lang, malaki ang puntos! Saganang akin lang, kung tama ay tama at kung mali ay mali. Sa tama tayo.
Sinagip ka po ng NPC Mayor Herbert Bautista. Meaning, dapat ang loyalty mo bilang isang miyembro, kasama ang bonggang senatorial line-up ng NPC ay nasa grupo at makipagtulungan ng maayos, deretso at tunay na pakikisama. Delekadesa ay isa pa, dahil masama po ang namamangka tayo sa dalawang ilog para lang maisalba natin ang ating sarili o mga personal na interes sa anunang pagkakataon.
Hindi po tama na kung saan ang malakas ang tugtug o tunog ng kampana ay makikihalubilo po tayo't igitgit ang ating sarili mailuklok lamang sa isang puwesto.
Respeto isa pa, dahil nung panahong kinailangan mong maindorso at kailangang may makakapitan ka kahit papano ay kinupkop ka ng NPC at nagbunga ito dahil magagaling na Senatoriables pa ang nakahilera mo!
Alam naming pulitika lang ang lahat ng ito. Alam naming at the end of the day ay kayo-kayo parin ang magkakampi at magkakasalubong one day sa kingdom of politics. Pero sana man lang this time, try to be desente at huwag mamangka sa dalawang ilog para lang sa isang ambisyong posisyon dahil sa totoo lang ay napakalakas mo naman na Mayor Bistek sa tao.
Sa totoo lang, super hinog ka na upang umupo sa mas mataas na posiyon kaya wala ka namang dapat patunayan pa! Respeto lang at pagbibigay galang sa mga taong hindi nagdalawang-isip kupkopin ka nung panahong kinailangan mo sila! Simpleng pagsunod sa tama lang naman! Alam naming magkakaayos din kayo ni Senator Sotto at alam naming matalino ka rin naman dahil iisa lang din naman ang inyong pinag-ugatan, ang pareho naman kayong mga alagad ng pelikula at telebisyon!
No comments:
Post a Comment