Walang prenong binigyang sagot ni Mike Defensor ang ibinatong tanong sa kanya ng invited entertainment press. Una na rito ang isyu ng pagsasara ng ABS-CBN. Kasama rin ang isyung traditional politicians at political dynasty ganoon na rin ang rason kung bakit siya nagdesisyong kalabanin sa pagka-Mayor ng Quezon City si Joy Belmonte at kung anu-ano ang plano niya sa lungsod kapag nanalo siya.
Malumanay niyang binigyang linaw ang lahat. May puso sa bawat salitang binibitiwan at pinalakpakan ng entertainment press sa pagbubukas-pinto nito sa entertainment media kapag siya ang nahalal na Mayor.
Maganda ang plano niya sa Quezon City. Isa na rito ang buhaying muli ang lungsod bilang City of Stars na unang plinano noon ng namayapang si German Moreno at kung anu-ako pa.
Sa naturang intimate tsikahan kasama si Mike Defensor ay nakita namin ang pagiging transparent niya bilang isang taong nasa mundo ng politics. Naramdaman naming sincere siya sa mga binitiwan niyang salita tungo sa pagbabagong gagawin niya para sa Quezon City.
Walang kongkretong pangako si Mike Defensor na binitiwan sa aming tsikahan. Tulad ko at namin, iisa lang ang gusto niyang iparating sa mga boboto ngayong Mayo 2022. Iboto ang isang taong may paninindigan at ayaw sa korupsiyon kundi solusyon! Isang mabilis na aksyon at mahusay na solusyon!
Siya po si Michael T. Defensor. Mula sa Anak Kalusugan Partylist sa 18th Congress. Ipinanganak noong June 30, 1969 na ikinasal kay Julie Rose Tactacan Defensor at nagkaroon ng 5 anak. Nag-primary education sa University of the Philippines Integrated School, nagtapos ng secondary education sa Niles McKinley High School, nag-BA History at MA Public Administration both sa U.P Diliman at nag-Masters in International Business Law sa University of Liverpool.
Naging Chairman ng NUSP. Youngest Councilor at the age of 22 ng 3rd District ng Quezon City. Naging youngest Congressman at the age of 25 ng 3rd District ng Quezon City. Naging youngest member of the Cabinet bilang Secretary of Housing. Naging secretary ng Department of Environment and Natural Resources. Naging Chief of Staff sa Office of the President. Naging head ng Task Force NAIA 3. Naging chairman ng PNR and filed 15 priority bills sa 18th Congress! Mula 10th at 11th Congress naman ay nagkaroon siya ng 6 authored laws!
Wow! Diyan palang ay panalo na sa aming puso si Mike Defensor na kitang-kita namang hindi lamang siya um-attend ng session at nakinig kundi puspusan nitong ginagawa ang kanyang trabaho bilang isang Kongresista at bilang isang taong walang pahinga para sa mamamayan at para sa buong bayan! Yan ang aming ibobotong bagong uupong Mayor ng Quezon City.
Mabuhay ka at goodluck future Quezon City Mayor Mike Defensor!
No comments:
Post a Comment