DIEGO LOYZAGA MATINDING DRAMA ANG HAHARAPIN KASAMA SINA CARA GONZALES AT LOUISE DELOS REYES SA THE WIFE SIMULA FEBRUARY 11 SA VIVAMAX

Kahit nasa Amerika ay present ang guwapong aktor na si Diego Loyzaga sa digital presscon ng pelikulang The Wife na mapapanood na natin simula February 11 sa Vivamax. 

Kasama ni Diego sa movie sina Louise delos Reyes at Cara Gonzales mula sa panulat at direksiyon ni Denise O Hara.

Ayon sa kuwento ni Diego, maganda ang istorya ng The Wife na sinulat mismo ng kanilang movie director. Mabigat na drama raw ito at medyo konting skin lang muna raw ang ipinakita ni Diego na ginawa nila ni Cara sa film.

First film to watch ito ni Diego for 2022. Kaya naman happy naman daw ang aktor dahil magandang buena mano ito sa pagpasok ng taon.

Pero during the said digital mediacon ay inurirat din si Diego kubg bakit hindi nito kasama o isinama sa Amerika ang kanyang live-in partner na si Barbie Imperial.

Ayon kay Diego, gustohin man niyang isama ito ay hindi puwede dahil wala namang blue passport o US Visa ready si Barbie. Sinabi pa nitong a day before ang ginawang booking ni Diego para sa kanyang flight papuntang Amerika baho mag-pasko!


No comments:

Post a Comment